"Deny to Death!"
a Forlorn Madness Fan Fiction
Written by: Van_Darkhaven
Credits to: Direk_Whamba
Dedicated to: XerunSalmirro- ang aking Online Brother.
**********
Tila mo'y isang rosas tuwing ika'y tinitignan.
Kailanma'y hindi kukupas ang iyong kagandahan.
Mapupula mong labi'y nais kong makamtan.
Sapagkat ikaw lamang sa puso ko'y nakalaan.
Pangako ko, wagas na pagmamahal sayo'y ipaparamdam.
Tanggapin mo lang ako, pagsisilbihan kita walang hanggan.
~~
"Nagustuhan mo ba ang inilaan kong tula para sayo, minamahal kong Shall?" ani Xerun pagkatapos kong basahin ang kanyang tula.
"Pwede ba Xerun, wag mo akong daanin sa mga matatalinhaga mong salita! Alam mo naman na hindi ikaw yung gusto ko kundi si Hio, ang iyong kapatid. Kaya naman ibaling mo nalang sa iba yang pagmamahal mo!" mataray kong sabi sa kanya.
"Hindi iyan ang nakikita ko sa mga mata mo, Shall. Alam kong kahit papaano ay may nararamdaman ka sa akin... Pero sa ngayon pagbibigyan ko yang nais mo. Alam kong darating din ang oras na masasabi mo yang isinisigaw ng puso mo. Pero wag sanang dumating sa puntong magsisisi ka sa bandang huli. Lalo na kapag nawala na ako sa mundong ito." makahulugan niyang tugon.
Natulala ako sa mga sinabi nya. Para bang tumagos lahat ng yun diretso sa utak ko at bumaba pa sa puso ko.
"Maiwan na muna kita, Shall. Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam!"
Pagkasabi niya nun ay bigla nalang siyang naglaho at naiwan akong nag-iisa sa aking silid.
Napaupo akong bigla sa aking kama dahil sa panghihina. Para bang kinakalabog ang dibdib ko sa sobrang kaba.
Ang hirap magpanggap.
Ang hirap magkunwaring hindi mo siya mahal.
At lalong napakahirap ipagtabuyan sa iba ang isang taong itinitibok ng iyong puso.
Naaasar ako sa sarili ko! Nakakabwisit! Parang gusto kong malusaw ano mang oras.
Bakit ko pa kasi pinahihirapan ang sarili ko kung sa isang kataga lang ay maaari na akong sumaya. Tapos nagawa ko pang gamitin ang kapatid niya para lang lumayo siya sa akin.
Hindi ko na maintindihan tong nararamdaman ko. Nagpapakabaliw ako dahil sa sarili kong katangahan at kagagahan.
Tumayo rin naman kaagad ako ng mahimasmasan ng konte.
Kailangan kong magpahangin para mabawasan naman kahit papaano tong mga iniisip ko. Ayoko namang magkulong lang buong araw dito saking silid.
Isang kisap-mata lang ay napunta na kaagad ako sa tabing-dagat. Natural lang sa mga bampirang kagaya ko ang may kakayahang makarating kahit saan mang lugar ng walang kahirap-hirap.
Hindi na naman siguro masusunog ang balat ko dahil konti na lang ay pawala na ang araw. Ang sinumpang liwanag nun ang siyang nagpapahirap sa katulad kong bampira.
Napasinghap ako ng umihip ang malamig na hangin.
Hay! Napakasarap talaga ng hangin dito. Ang lugar na ito na ang naging karamay ko sa lahat ng oras.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness Fan Fictions
مصاص دماءCOLLECTION of my ForMad Fan Fiction. Consisting: *Shall's Doll *Can Love Ease My Forlorn Madness? *Deny to Death! FORMAD ROCKS \m/