“Ang buhay, parang musika…
Ang musika, parang buhay.”
Yan ang palaging sabi ng piano tutor ko sa akin noon.
Minsan mabagal, minsan mabilis.
Minsan masaya, minsan malungkot.
Iba’t-ibang tono, iba’t-ibang tempo.
At sa oras na ipihit mo na ang musika, darating at darating pa rin ang huling himig nito.
Pilitin mo mang pahabain ang tugtog, darating pa rin ang puntong kailangan mo na itong ihinto.
Hindi dahil pagod ka na kundi dahil pagod na rin sila sa pakikinig sa musikang inilikha….
* * *
It’s been four long years since huli akong tumuntong sa train station na ‘to.
I thought hindi na nga ako makakabalik pa rito but fate brought me back here again.
Nag-uumpisa nang magsihulog ang mga nyebe nang makalabas ako ng station.
Winter na winter na nga.
Parang kelan lang yung huling winter ko dito.
Tiningnan ko rin ang mga bahay at ilang mga tanawin habang papunta ako sa estate nila lolo. Ganun pa rin.
Parang walang pinagbago.
Yung mga tao kaya? Are they still the same people I knew?
Tanaw ko na kaagad sa malayo ang malaking mansion ng angkan namin. Mukhang maraming tao sa loob, ang dami na kasing kotse sa labas.
Kahit malayo pa kasi ang Christmas eh marami-rami na ring bumibisita sa mansion.
Pag baba ko ng cab ay kaagad naman akong dinala ng butler sa grandhall kung saan may dinaraos palang konting salu-salo.
“WELCOME BACK MELODY!” yan kaagad ang bati nila sa akin nang makapasok ako. Para sa akin pala ang gathering na ‘to.
Sobrang andaming tao. Mga pinsan, tita at tito, mga relatives, pati mga kapitbahay, mga kaibigan na rin nung highschool at tsaka ang don ng mansion – si Sir Edmund (ang lolo ko).
They were all there to greet me. And yet one familiar face was still missing….
“Kamusta ang flight? Tell me everything, Melody dear” bati sa akin ng patriarch ng angkan.
At yun nga, nagkwentuhan kami. About sa buhay ko sa France, sa music school, pati na rin sa buhay ni lolo at sa mga nangyare these past years.
“Parang ang dami ko rin palang na miss-out” bulong ko sa kanya nang matapos na kaming magkwentuhan
“Of course, apat na taon ka ring nawala” he said habang ini-lead niya ako papunta sa isang pamilyar na grand piano, “at matagal-tagal rin naming hindi narinig yung mga tugtog mo” pagkasabi nun ay parang nag-gather na ang lahat sa palibot ng piano.
Umupo na rin ako. Parang napaka-nostalgic ng feeling sa harap ng piano na to.
Lumingon ako sa left side ng leather bench as if waiting for a cue for someone to start. Wala nga pala akong katabi.
I sighed. This grand piano has always been too big for me.
And finally inumpisahan ko nang tumugtog ng isang pamilyar na musika….
A light and playful tune….
*flashback*
“Melody,” tawag sa akin ng piano teacher ko, “simula ngayon, makakasama mo na si Ken sa pagpapractice. Ok lang ba?”
BINABASA MO ANG
Winter Melodies
Short StoryWhat if you were given another chance at love? Will you take the risk or would you let it pass again? – Seasons of Love –