Chapter 1

178 5 0
                                    

CL POV

"Magpapakasal ka sa ayaw at sa gusto mo! dangsin-eun hangsang jeoleul silmang CL ! (You always disappoint me CL!)" sigaw sa akin ni papa na halos magpanerbyos sa akin ng sobra.

"Pero papa can't you understand me?! Ayokong makasal sa lalaking hindi ko mahal.!" Sagot ko sknya hindi ko maiwasang hindi sya pagtaasan ng boses.

Sila mama at kuya ko naman nakatingin lang sa amin ni papa at halatang kinakabahan sa ?mga nangyayari.

"Mahal CL?! Yan pa ba ang kelangan mo ha! Kung ang ex boyfriend mo nga iniwan ka para sa ibang babae tapos ngayon sasabihin mo magpapakasal ka lng sa taong mahal mo! Bakit CL mahal ka ba ng taong mahal mo!?"sigaw ult sa akin ni papa

Natigilan ako sa sinabi ni papa. Isa isang nagbalikan sa isip ko ang mga ngyare noong araw na yon. Tama naman sya ehh iniwan ako ni Rex pinagpalit ako sa ibang babae, ni hindi nagbigay ng reason kung ano ang naging mali sa relasyon namin at ang sakit pero ayoko ng pagusapan pa yun ngayon!

"Basta kahit anong mangyare hindi ako magpapakasal kahit kanino!"

"Suwail kang anak!"

"PAK"

At isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay papa.

Hindi ko na napigilang mapaluha eto ang unang beses na sinampal ako ni papa. Hindi na ako nagsalita tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad palayo.

Pero bago pa man ako makalayo narinig kong sumigaw muli ang papa.

"CL! From now on you can't used your credit cards! Grounded ka hanggang hindi ka pumapayag magpakasal sa FIANCE mo!" Sigaw nya na may halong pagbabanta

"Gawin nyo ang gusto nyo papa wala akong pakielam!" At tuluyan na akong umalis.

Hindi naman sa hindi ako sanay na lagi na lang nasesermonan or napapagalitan. Sa totoo nga nyan normal na sa akin ang laging sabihin ni papa na isa lng akong disappointment para sa kanya. Pero ang hindi normal sa akin ay ang pilitin nya akong ipakasal sa pesteng lalaki na yon.! I don't care kung hindi ko pa sya nakikita ,hindi ba sila naaawa sa akin 2months plng kaming break ni Rex at masakit pa din hanggang ngayon. :(

BTW I'm CL Kim. Hikli ng name ko no nagtitipid sila sa pangalan ko ehh haha, 18 yrs old. Yan na lang muna di naman ako sasali sa binibining pilipinas para pahabain pa hehe. :D

====At My Room 12:30am====

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Nageempake ako ng mga gamit ko, aalis na ako sa bahay na to bago pa ako masiraan ng ulo at bago pa ako maipakilala sa magiging FIANCE ko daw.

Matatapos na akong magayos ng gamit ko, hmmm ok na tong 2 maleta lng nmn ehh. Wala ng atrasan to mga tol.

Tok Tok

Sino naman kaya etong kumakatok.

"Come in!" Sigaw ko

Bumukas ang pinto at iniluwa ang gwapo kong kuya.

"Oppa! Yeogiseo mwohaneungeoya!?" Tanong ko sa kanya. (what are you doing here!?)

Nakatingin lang sya sa akin sabay

hinga ng malalim.

"So tama nga ang hinala ko, you're leaving" malungkot na pagkakasabi nya.

Umupo ako sa kama ko at yumuko hindi ko sya magawang tingnan. Mabaet ang kuya ko in fact parang prinsesa kung ituring nya ako.

"I..Im sorry Oppa" yan lang ang tanging nasabi ko

Naramdaman kong umupo si kuya sa tabi ko at pinat ang ulo ko.

"I understand you CL, I know it's hard for you to accept that in your young age you need to get married. Hmmm Im your brother remember your my princess I will help you." Sa sinabi nya na yon bigla akong napatingin sa kanya. Naiiyak ako sa mga narinig ko mahal na mahal ko talaga ang kuya ko sya lang ang pinaka nakakaintindi sa akin.

"Gulat ka no.?!" Tumawa sya ng bahagya at nag nod lang ako

"Tutulungan kita CL sa Pilipinas ka pupunta right. Sa tingin ko kailangan mo to." Sabay abot sa akin ng isang envelope binuksan ko ito at puro papel ang laman. Tumingin ako kay kuya binigyan ko sya ng look na 'Ano to kuya?'

"Hmmmm kailangan mo yan CL kapag dating mo sa pilipinas ay magaaral ka sa eskwelahan na yan. Wag ka magalala enrolled ka na and iniba ko ang pangalan mo ginawa kong CL Fuentabellas." Pagpapaliwanag sa akin ni kuya.

Hmmm Fuentabellas??

Ahhh tama yun nga pala ang surname ni mama nung dalaga pa sya.

"Magbakasyon ka muna, magisip ng maayos. Pero tandaan mo tatawagan mo ako palagi ha! Ako na ang bahala dito. Basta CL princess alagaan mo ang sarili mo hindi kita mababantayan doon palage." Paalala nya sa akin habang ginugulo ang buhok ko.

"Thank you Oppa!" Sabay yakap ko sa kanya "Thank you dahil lagi kang andyan, promise aalagaan ko mabuti ang sarili ko tska im not a baby anymore im a big girl now oppa *pout*" sabi ko sa kanya

"Hahaha ang cute mo talaga princess" sabay pisil sa pisnge ko

"Hmmm nga pala ok na ba ang mga gamit mo ihahatid na kita sa airport para masigurado kong makakaalis ka ng maayos."

"Yeah Oppa ok na ang mga things ko." Sabay lapit ko sa mga maleta ko.

"Alright kung ganon let's go baka malate ka sa flight mo." nakangiti nyang sabi sa akin.

*nod nod*

Kinuha nya ang mga maleta ko tska ibinaba ng hagdan ng dahan dahan, baka kasi magising sila papa. Nang tuluyan na kaming makalabas ng bahay sumakay na ako sa kotse nya at umalis na papuntang airport.

After 30 mins..

At Airport..

"So paano princess ready ka na ba?" Tanong sa akin ni kuya

"Hmm oo naman kaya ko to kuya princess mo yata ako and nagmana ako sayo hehe." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Hay mamimiss ko ang princess ko" sabay yakap nya sa akin ng mahigpit. Niyakap ko din naman sya

"Mamimiss din kita kuya I'll call you when I get there."

"O sige na magkaiyakan pa tayo nyan bbye na princess take care" pagpapaalam sa akin ni kuya

"Bbye I will miss you Saranghaeyo Oppa!" Pagpapaalam ko sa kanya at tuluyan ng umalis.

Wala ng atrasan to pagdating ko sa pilipinas ako na si CL Fuentabellas at hindi si CL Kim.

Kailangan kong mabuhay magisa maranasan ang buhay ng isang normal na teenager. Hayy alam kong mahihirapan akong makibagay muli pero kakayanin ko. AJA! ^____^

===========

A/N

Okay eto nanaman ako nagbabalik haha sana magustuhan nyo po. :)

Vote and Comment :)

My Neighbor is My Fiance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon