Napakabitter mo!!!!!

79 2 0
                                    

First story ko po ito, one shot lang naman. I hope you like it!!!

"Uy, chicks oh!" Sigaw ng isang binata na nakatambay sa harap ng carinderia nila Ayame at ng kanyang tatay.

Bigla namang tumingin ang ibang kasama ng binata at muntikan ng mabulunan sa kinakain nila. "Oo nga! Chicks oh?" Sigaw pa ng isang lalaki sabay sipol sa dalagang naglalakad. Hindi naman nagtagal nagsitawanan na ang lahat dahil sa panlolokong ginawa nila.

"Panget! Ano number mo?"

"Uy, gago. Chicks nga yan eh, bulag ka ba?" Sabay tawa ng isang binata.

Sa harap nila naglalakad ang isang napakapangit na babaeng makikita mo sa buong buhay mo. Well, sabihin nalang natin hindi talaga siya maappeal sa mga binata sa modernong henerasyon.

Siya si Haruno Sakura isang fresh man college sa Leaf University. Siya ay may kulay rosas na buhok na nakatali sa isang loose pony tail, ang hati ng kanya buhok ay sa gitna kaya nagmumuka siyang losyang. Aminin na natin pangit talaga ang mga babaeng ganun. Ang kinaloka pa dun ay nakasuot pa siya ng napakalaking salamin na halos sakupin na buong mukha niya.

"Ano number mo miss?"

Binatukan ng lalaki ang kasama niya, sabay sabi, "Gago talaga tong mga 'to, parang lola na natin yan, tarantado! Number ampupu."

Nagsitawanan na naman sila.

Ang kinagrabe pa sakanya ay wala siyang fashion sense. Kung iisipin mo ang taas taas ng araw tapos ang init init tapos ang suot niya paldang mahaba, hindi naman masyadong mahaba, pero sakto lang para tawagin siya na lola. At naka-three fourths pa ang dalaga. Bitbit ang kanyang shoulder bag na simbigat ng sampung kilong bigas dali-dali siyang sumakay ng bus papunta sa kanyang school at hindi binigyan ng pansin ang mga walang hiyang mga tambay.

Siya ulit si Sakura Haruno. Simula ng maisilang siya sa mundong ito wala ni-isang nilalang ang nagkagusto sa kanya, kung meron man yun yung mga tawag na styropor o plastic na lumulutang lamang sa tubig. At kung meron man, malamang yun yung ang kanyang mga magulang, syempre exception yun.

Ang sinasabi ko ay wala ni isa pang lalaki ang nagkakagusto sa kanya. Ni-isang crush man lang, wala. Wala. Wala.

Though, nagkakagusto siya, malamang tao rin yan. Noong grade 6 siya nagkagusto siya sa isang walang kwentang lalaki na first year student. At ayun talagang walang kwenta dahil yung lalaki na mismo bumasted dun kay Sakura at sinabihan pa ng "napakapangit niyan sir eh, ayokong kasayaw yan." Sakit no?

Kaya ayun after all ng pagmamake-over niya wala parin eh at pagkatapos rin niyang marealize na wala na talagang magkakagusto sakanya, ayun naging bitter na si Sakura. Hindi mo naman siya masisi eh, kung palit kayo pwesto malalaman mo.

Hindi na pumapansin ng mga lalaki yan at kung required talaga mag-usap, isa isa lang ang salita na sasabihin niyan. Gagawin talaga ang lahat mapalayo lang sa mga mokong mga lalaki na iyan.

"Bayad mo neng." Sabi ng konduktor sabay kalabit kay Sakura.

Iniabot ni Sakura ang kanyang bayad.

Pumunit ng isang papel ang konduktor at iniabot sa dalagang nakaupo at lumipat sa ibang pasaherong nakaupo.

Matigas na puso ni Sakura, hindi na mapapalambot ng sinuman.

Nang makarating ang dalaga sa kanyang iskwelahan dali-dali agad siyang binati ng kanyang matalik na kaibigan na si Tenten.

"Sakuraaaaaaaa! Ang tagal mo naman!"

"Sorry Ten! Traffic eh sobra." Sabi ng dalaga.

"Ayos lang eto naman oh!" Natawa nalang si Tenten sa sagot ng kanyang best friend.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Napakabitter mo!!!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon