Si PRINCE Charming (OneShot)

45 2 0
                                    

(a/n) hello guys! naisip kong isulat to, para malibang ako, sayang naman kung hindi ko ma-post.

Based po ito sa nangyari saken.

Enjoy po! :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

4:59 AM Sat

OhMyEdward! Late na ko!

*takbo* *takbo*

Bwisit naman kasi e! Naka-lock pa yung 2nd gate. Lintek naman na Guard yun, lageng natutulog. :/

*takbo* *takbo*

Ako nga pala si Florence Eurecka Torres, 16 years of age, isang choir member ng church namin at eto ako ngayon, nagjojogging.. este tumatakbo dahi late na kooooo!! 5 AM kasi ang practice namin e... Aga no? Ewan ko din kung bakit.. siguro para na din di maabala yung may mga pasok ng maaga.

Patay. Tss.

Nang biglang...

BROOOOM!!

Teka, Alam ko yung tunog na yun ah! OwMy! Siya nga yon! Ang puso ko malalaglag na! OHA. Tunog pa lang ng motor e, alam ko na HAHA.

"Uy tara sabay ka na" - Edward. Ang puso ko, pakihawak po, baka di mapigilang pumunta sa puso nya! HAHA. OMG. Everytime I look into his gorgeous,perfect face, humihinto ata tibok ng puso ko! Kahit halatang bagong gising lang siya, napaka HOT pa din!

Teka, Ako ba talaga ang kinakausap ng nilalang na to?

*tingin sa kanan* *tingin sa kaliwa*

Oo ako nga! HAHA. Wala namang ibang tao e! Aga pa eh.

Syempre, sumabay na ko, CHOOSY pa ba ko? Ang hirap tumanggi sa hulog ng langit no! HAHA. Chos lang yun. No choice naman ako e, late na nga rin naman kasi ako.

Habang nakasakay sa likod nya, I mean nasa likod nya ako, sa motor, gusto ko siyang yakapin, BANGO kasi e! HAHA. Syempre, di ko naman magawa kasi nakakahiya naman no, saka hawak ko yung mga notes ko e. *pout*

Anyways, malapit lang naman ang Church e, tatawid nga lang ako dun pagkalabas ko sa 2nd gate, since naka-lock pa nga, sa 1st gate ako dumaan, medto malayo nga lang,,

So.. na-haggard ako masyado kakatakbo, buti na lang dumaan si Prince Charming ng buhay ko! Ayieeee. Haha. Este, si Edward Vincent Marquez!

Yearight, tama kayo. siya ang aking ultimate, super duper hot, macho at pogi kong crush! :D

At oo, pareho kami ng subdivision na tinitirhan at pareho kaming member ng choir.

Oh, diba ang haba ng hair ko! :P Swerte ko no? Hehe.

Back to the situation na tayo, dahil sa napakahaba ng binabyahe ng utak ko, nandito na pala kami .. Sa totoo nga lang, ayoko pa talagang bumaba sa motor nya e..

"Edward.. pwede mo ba akong alalayan bumaba? Nakapalda kasi ako e.."

"Oo naman, ikaw pa, Miss Beautiful, with pleasure :)" -Edward

..

..

Hep hep! Teka, hindi talaga yan ang nangyari! Nag daydream lang ako kahit wala pang sikat ng araw...

Asa pa ko? *pout*

Kaya ayun, bumaba na lang ako at nag "thank you", tumango lang siya, tapos humarurot na ko nang takbo sa loob.

Wala ata yun sa mood e? Bagong gising kasi, baka naudlot yung dreams nya about me. *chuckle*

Salamat sa Motor ni Prince Charming! Hindi pa sila nagsisimula., pinagpawisan pa nman ako ng malapot sa jogging ko na yun! Haha!

Si PRINCE Charming (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon