6: The Jealousy

2K 52 1
                                    

JASMINE

"Gazebo Bar, huh?"

Tumingin ako ng saglit kay Derick. "They serve meals, too," paliwanag ko at sinundan ulit ang hostess.

Napapitlag ako ng akbayan ako ni Derick at inirapan ko siya, pero kinindatan niya lang ako kaya napailing ako. "Ang sexy mo," malanding bulong niya sa'kin. I pursed my lips in annoyance.

"Tumigil ka nga, bwisit," inis kong sabi kay Derick at tinulak siya ng konti pero tumawa lang siya. Napailing ako at nagpasalamat sa hostess pagkatapos niyang ipakita sa'min ang table namin. I sat and cocked a brow at Derick who was frowning. I groaned. "Ano na naman ba ang problema mo?"

Dahan-dahan siyang umupo sa tapat ko. "Lumalabas ka na gan'yan kaiksi ang damit mo?" tanong niya.

I eyed my halter-top dress that ended just above my knees. Kung tutuusin ay mahaba na 'to sa'kin, pero maiksi parin sa paningin niya? I shook my head. Hindi ko siya gets. 'Yung ibang lalaki, they would kill to see more skin. But this guy--this handsome and charming guy--in front of me? Pinapagalitan pa ata ako dahil naka-virgin's dress ako. Seriously. This is what Ariel wore before she met Eric, and she still wears it a lot. "Pabayaan mo na," ani ko at tinignan ang menu. Pamilyar naman ako sa pagkain dito sa Gazebo dahil dito kami madalas ng barkada kapag hindi sa Metro, pero I wanted to try something new today.

"You're not gonna drink beer, are you?" pormal at striktong tanong niya kaya naman napataas ang kilay ko. So far, he's been a really playful and carefree guy. Pero nakalimutan kong businessman din siya at isang boss, that he also gets bossy. And I have to admit, bossy Derick is quite a turn on.

Binaba ko ang menu ko, already knowing what to order. Again, I smirked at him. "At ano naman kung iinom ako ng beer?"

Napangiwi siya. "Tanghaling tapat."

I rolled my eyes. "That never stopped me before," saad ko at sumandal sa inuupuan ko. "But, no; hindi ako iinom. Marami pa akong dapat gawin pagkatapos nito."

His face was still a bit tensed at nakitang kong iniirapan niya ang bawat lalaking dumadaan sa table namin. Papunta kasi sa CR ang table namin kaya marami talagang dumadaan. May topak ata 'tong lakaking 'to, or talagang anti-social lang dahil kung maka-irap parang papatay na.

Tinadyakan ko siya sa ilalim ng mesa kaya napatingin siya sa'kin. "Ano bang problema mo? Kanina ka pa irap ng irap d'yan. Para kang tanga," asik ko at sinimangutan siya.

"Dapat kasi sa VIP tayo," inis niyang sambit. Pinanood ko siyang huminga ng malalim tapos ay pumikit. Pagkadilat niya, tinaasan ko siya ng kilay pero ngumiti lang siya at nanumbalik na ang masiyahing Derick. Napailing ako sa mood swings niya pero 'di na ako nag-komento pa. Tumikhim siya. "So, tell me about yourself."

I stiffened. Personal questions were not my thing--they only led to attachment at ayoko ng ganun. Thankfully, though, the waitress came by and took our orders. But the relief was short-lived as Derick urged me again. Napainom ako ng tubig at nagkibit-balikat. "Jasmine Cortez, only daughter. My mom's gone, and I live with my dad. Erella, Belle, and Ari are my BFFs and we all co-own Clishique. Interior Designer."

Tumaas ang kilay niya. "And...?"

I shrugged. "That pretty much sums up my whole life," sabi ko. I contemplated for a moment before asking, "Ikaw? Ano ang kwento ng buhay mo?"

He winked at me before replying, "Nothing much. Noong bata ako, iniwan kami ng tatay namin. At dahil sa ako lang ang anak na lalaki, ako 'yung nagpursigi para sa'ming magkakapatid. Hindi naman lahat kaya ni nanay, e, kaya tumulong ako." He sipped his drink quickly and continued, "Tinutulungan ko si nanay noon sa karinderya, kaya nahilig ako sa magluto. It became a dream."

Princess Series Two: The Bitter BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon