Ako na lang Kasi

1.4K 72 27
                                    

"AKO NA LANG KASI"
written by: heynette

Gaano nga ba kahirap ang magmahal ng isang taong hindi ka mahal? Gaano nga ba kahirap ang umasa sa isang tao na pinapaasa ka lang? At gaano nga ba kahirap kalimutan ang isang pag-ibig na kahit kailan ay hindi nasuklian?

-

Heto na naman ako at natutulala sa isang gilid. Nakatulala sa isang tao na ang hirap abutin. Oh well, naabot ko na pala siya, pero ang hirap niyang hulihin. Ang hirap palambutin ng matigas niyang puso.

"Hoy, Lyka. Lumapit ka nga dito." Utos niya sa akin.



Heto na ako at papalapit sa lalaking dahilan kung bakit ako tulala. 'Yong lalaking ang tanging alam lang gawin ay gamitin ako palibhasa ay takot ako sa kanya, at palibhasa, alam niyang mahal ko siya.



"Bakit?" Tipid kong sagot.



"May date kami ni Cassandra mamaya. Pumunta ka. Mag-ayos ka at magsuot ng pinakamatino mong damit. Tanggalin mo rin iyang salamin mo. Mag-contact lense ka. Makikipagbreak ako sa kanya." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na rin siya, may kaakbay na bagong babae, ano pa nga ba?



Napabuntong-hininga na lamang ako at pumangalumbaba sa lamesa matapos kong makabalik sa upuan ko.




Pabayaan mo na, Lyka. Makakahanap din iyan ng katapat niya. 'Yong makakapagpatino at makakapagputol ng sungay niya. Maghintay ka lang, Lyka.



Busy ako sa pagkausap sa sarili ko nang bigla niyang pitikin ang noo ko.



"Ano na naman ba iyon, Andrew?" Iritado kong tanong.



"Napipikon ka na ba? Nakalimutan kong sabihin na susunduin kita mamaya. Ayoko ng late." Umalis na ulit siya pagkatapos niyang sabihin iyon.




Hayy. Hindi ko talaga maikakaila sa sarili ko na umaasa ako sa mga maliliit na bagay na ginagawa niya. Gaya noon, susunduin daw niya ako. Hindi ko maiwasan ang kiligin. Bakit hindi? Kahit isa akong wallflower ay nagagawa akong pansinin ng taong gusto ko. Kahit na utus-utusan lang niya ako ay napapansin pa rin niya ako. Hindi katulad ng ibang babae diyan na halos nagkakandarapa na at ni ismid ay hindi man lang niya maibigay. Pakiramdam ko, swerte pa rin ako dahil napapansin ako ni Andrew kahit papaano.




Nang i-dismiss kami ng aming prof sa last subject ay dumiretso na ako sa bahay. Kailangan ko nang mag-ayos dahil anytime ay baka pumunta si Andrew. Kahit wala iyong sabihin na oras, alam ko na iyon. He's unpredictable, kaya dapat kumilos na ako kaagad.




Pagkatapos kong mag-ayos ay tinanggal ko na ang salamin ko. Nagpatulong pa ako sa ate ko na magpalagay ng contact lense na ibinigay sa akin ni Andrew nang una niya akong utusan na sirain ang date nila ng isang babae dahil gusto na niyang makipagbreak.



"Nagpapauto ka na naman diyan sa Andrew na iyan, Lyka. Kung ako sa iyo ay tigilan mo na iyan. Masasaktan ka lang." Sabi ni ate habang inilalagay ang contact lense sa mata ko.




Hindi ko iyon pinansin. Kapag kasi sinagot ko pa siya ay baka mag-away lang kami. Ayoko ng ganoon. Isang beses kasi ay napagtalunan na namin itong tungkol kay Andrew. Ang tanging naisagot ko lang naman ay, "Wala ate, e. Mahal ko. Kaya anong magagawa ko?" Halos matanggal na nga ang ulo ko noon dahil sa lakas ng batok niya. Inaalog lang daw niya ang utak ko para matauhan ako. Pero nagkamali siya, dahil puso ko naman ang tumitibok at hindi ang utak ko.




Ako na lang Kasi (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon