TRUE STORY #31 (from: @athenairan0114)

3.6K 77 4
                                    

athenairan0114's POV


Agaw Buhay


Nov. 14, 2010, nung araw na yun namimilipit ako sa sakit ng puson ko. Wala naman akong period pero di pangkaraniwan yung sakit na nararamdaman ko. Dinala ako ni Mama sa ospital at napag-alaman namin na may cyst ako at kailangan ma-operahan ako agad. Di kami ngdalawang isip na sumang-ayon sa doktor. Ilang oras pa ay dinala na nila ako sa operating room. 8:00pm sinimulan ang operasyon ko.


Yung araw at oras na nasa operating room ako ay parehong araw na may naramdamang kakaiba yung Lola ko sa bahay namin at dun sa kwarto ko. Naiwan yung Lola ko sa bahay namin para siya muna ang tumao dun habang nasa ospital kami. 8pm daw, may kakaiba daw naramdaman yung Lola ko. Habang nanonood ng palabas sa TV, may naramdaman daw siyang malamig. Binalewala niya daw iyon hanggang sa marinig niya yung kaluskos sa kusina. Sumilip siya para makita kung ano iyon. Wala naman daw. Inisip niya na baka daga yun.


Maya maya pa ay nauhaw daw siya kaya pumunta siya ng kusina. Bago makapunta sa kusina ay madadaanan muna ang kwarto ko kung saan nakatago ang gitara ko. Nung nadaanan daw niya yung kwarto ko, may narinig siyang tumutugtog ng gitara pero yung tunog nakakakilabot, paisa isang string lang ang tinitipa. Sinilip niya yung kwarto ko kung doon nga nanggagaling ang tunog. Nakita niya ang isang anino na katulad ng bulto ko. Nakatayo daw ito at nakatapat sa nakasabit kong gitara. Natakot ang Lola ko kaya't ipinasya niyang umalis ng bahay. Dali dali siyang gumayak at pumunta sa ospital. Pagdating niya sa ospital, kaagad niyang hinanap si Mama. Maya maya pa ay nagkita na sila. Nagtaka si Mama kung bakit pumunta si Lola ng ospital. Tanging nasagot nalang ni Lola nun ay nag-aalala daw siya sa'kin. Kaya naman naipasya ni Mama na sila na ang magbabantay. Kasalukuyan pa rin akong nasa OR. Makalipas ang ilang oras, lumabas ang doktor at sinabing kailangan masalinan ako ng dugo dahil naubusan ako ng dugo. Sinabi rin ng doktor na nagfifty fifty daw ako nung mga kalagitnaan ng operasyon. Ibinilin ako ni Mama sa lola ko at agad na umalis para bumili ng dugong isasalin sa akin.


Nung mag-isa nalang si Lola sa harap ng OR ay napa-isip siya, baka daw yung nakita niya sa bahay ay kaluluwa ko. Sa na-isip ay napalingon agad siya sa kinaroroonan ko at nagdasal ng taimtim at dininig naman ng Diyos ang kanyang panalangin, naging okay ang operasyon at naging okay na ako.


Buwan ang lumipas nang mapagpasyahan ni Lola na ikwento ito sa akin at sobra akong kinilabutan nung narinig ko ang kwento niya. Totoo pala talaga na kapag nag-aagaw buhay ka, sandaling lalabas ang kaluluwa mo sa iyong katawan.



_END_

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon