Ang taas na ng araw. Hay, wala akong magawa. Badtrip maman kasi, diba dapat nagsasaya ako kasi intrams ngayon. Pero di ko feel ughhhh! Manunuod na nga lang ako ng laban ng basketball seniors vs. juniors sa gym.

"Uy, tine nuod tayo ng basketball sa baba. Seniors na daw next game eh." Sabi ko kay tine, friend ko.

"Sige wait. Yayain ko din sila."

Hi, Im Jessy pala. Hindi jessy mendiola hahah. Jessy Aguinaldo, 4th year high school. Hindi ako yung tipo ng babae na mapapalingon ka, hindi naman kasi ako maganda. Sakto lang sabi nila haha. Maliit din ako para sa 4th year kasi 5 flat lang yung height ko pero okay lang para bagay kami ni kenneth ko hart hart omg!! Walang nakaka alam na may gusto ako kay Kenneth. Ay joke haha, mga 5 lang. Yung mga pinagkakatiwalaan ko lang talaga hahahha.

"Tara na, Jess!" Sabi ni Tine.

"Uy sakto lang tayo haha, dali takbo para may maupuan pa tayo." Sabi ni Ella. Kaya ayon, ako yung nahuli kasi nga maikli ang bias ko hay buhay.

"Ano ba naman yan, ako nag-aya tapos ako walang upuan hayst." Sabi ko sakanila, sabay tawa naman sila.

"Uy jess, dito tayo sa stage upo. Sakto may dalawa pa oh!" Sabi ni ella.

"Thank you ella ha. Buti ka pa hahaha." Sabi ko sakanya.

Nagstart na yung game and nanunuod talaga ako ng mabuti. Pero feeling ko talaga may nakatingin sakin eh. Diba ramdam mo naman yun? So, lumingon lingon ako para hanapin kung sino yon. Hindi ko makita badtrip naman oh. Ayan na naman feeling ko may nakatingin na naman sakin. And pag ka lingon ko. Boom! Si kenneth nakatingin sakin!! Omg, kilig!!! Tapos biglang iwas ng tingin. Ano ba naman to sayang, andun na eh haysss. Manunuod na nga lang ulit ako.

Okay, 7-17 na yung score kaya cheer ulit "S-E-N-I-O-R-S one team, one goal awoo awoo!!" Feeling ko may nakatingin na naman sakin, and lumingon ako sa side kung saan si kenneth kanina kasi umaasa akong siya ulit yung nakatingin sakin. And yes. Nakatingin ulit sya sakin!!! Omg pero umiwas na naman sya ng tingin, sad naman.

Tapos na yung first quarter. Last quarter na, tahimik lahay kasi kinakabahan 26-27 na kasi yung score tapos lamang na yung juniors. Lumingon ulit ako sa side nila kenneth pero wala na sya don, sad naman :(

"Uy Jess" Tapos ngumuso si Nelson. Napa kunot yung noo ko tas ngumuso ulit sya kaya lumingon ako. Omg omg omg, kaya pala wala na si kenneth dun sa side na yon kasi lumipat na siya sa likod ko. Syempre, para hindi ako halata, yung katabi nya muna yung pinansin ko, si Francis. Sinambunutan ko hahahha. Hindi alam ni Nelson na may gusto ako dito kay kenneth pero inaasar kasi nila ko dito. Kaya din siguro ako nafall. Pinicturan niya kami ng stolen tapos binigay pa nya sakin yung itouch nya para magselfie daw kami. Syempre chance na to para magkapicture kami noh kaya kinuha tas nagselfie kami ng isa lang. Sana hindi na matapos yung game para nasa likod ko lang si kenneth palagi hayyy

"Uy, nabadtrip si Francis. Sinambunutan mo daw kasi" sabi sakin ni Cindy. Hala omg, hindi pwedeng magalit sakin si Francis. Kaya nagsorry na ko.

"Uy francis, sorry na. Akala ko kasi okay lang sayo. Sorry na oh." sabi ko sakanya.

"Hala lagot ka" sabi naman sakin ni kenneth. "Heh!" yun lang sinabi ko sakanya hahah

Tapos na yung game, talo seniors. Umakyat na din kami sa classroom after nung game kasi uwian na din.

Pagkauwi ko, minessage ko kaagad si Francis

October 21, 2015 6:03 pm
Jessy: Uy, sorry na hindi ko naman sadya eh
Seen 6:03 pm

October 21, 2015 6:15 pm
Jessy: Uy, replyan mo naman ako. Hindi ko naman alam na mababadtrip ka dahil don sa sambunot ko :(
Seen 6:17 pm

October 21, 2015 6:34 pm
Jessy: Uy francis, sorry na talaga :(

Antagal naman 7:30 na, hindi padin niya siniseen :( message ko nalang kaya si kenneth para matulungan nya ko?

October 21, 2015 7:32 pm
Jessy: Uy kenneth, tulungan mo naman ako kay Francis. Ayaw nya padin ako pansinin eh sad nga eh.
Seen 7:40

October 21, 2015 7:42 pm
Kenneth: Haha
Kenneth: Iyak ka nalang

Sineen ko nalang. Wala kasing kwenta to kausap kahit dati pa hay nako. Matutulog na nga lang ako. Maaga pa ko gigising bukas haysssssss

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SANA (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon