Hi guys! This is my first ever one shot sana magustuhan niyo!!
--------------------------------------------------------------------------------
Title: My Only You
Author: KathNielSwiftie
Cast:
Daniel Padilla
Kathryn Bernardo
Kath's POV
Nandito kami ngayon sa bahay ni DJ. Wala lang tambay tambay lang. HAHAHHAA. By the way, ako nga pala si Kathryn Bernardo. Maganda daw sabi nila mabait at matalino din daw. 17 years old. Nga pala my boyfriend ako si Daniel Padilla. Super sweet niya, mabait, gwapo, matalino at mapagkakatiwalaan. Boyfriend material right?
"Ba, kuha lang ako ng pagkain natin sa kitchen ha?"
"O sige. Hintayin nalang kita dito."
*kiss sa noo ni Kath*
"Sige wait lang. Cheescake gusto mo right?"
*nods*
Oh diba? Ang taray lang! Kukuha lang yan ng pagkain sa baba hinalikan pa noo ko. Hayy. Ang swerte ko talaga kay Pottie ko.
Hmmm, ang boring naman dito. Ano kaya ang pwedeng gawin? Tinitignan ko yung mga pictures ng may biglang nalaglag.
*Blaaaaaaag*
Oh my God! Ano yun?
Shocks! Ang daming nakakalat na papel.
Isa-isa ko itong pinulot. May nahagip ang mata ko! DEAR MOY. Huh? Ano ito? Dahil curious ako, binuksan ko ito.
Letter pala.
Dear MOY,
Alam mo ba ako na yata ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo kasi ikaw ang girlfriend ko? Mahal na mahal kita. Nasayo na ang lahat ika nga nila. Ang ganda mo, mabait at matalino din. Oh diba? San ka pa? Hinding-hindi kita sasaktan at hindi kita iiwan. Tandaan mo yan ha? I love you :*
Love,
DJ
Huh? Sino ba si MOY? Diba ako yung girlfriend niya? *sobs* Diba ako yung mahal niya? *sobs* Bakit may ganito? *sobs* Pinaglalaruan niya ba ako all this time at may MOY na siya? *sobs* Ni minsan di nga niya naisipan sulatan ako kahit minsan.*sobs*
At ayan na nga, bumagsak na ang mga traydor kung luha.
Pag-akyat ni DJ.....
"Ba, ito na-- Oh bakit ka umiiyak?!"
As if naman nag-aalala ka sa akin. Diba may MOY ka na?!
"Daniel, break na tayo. Ayoko na. Niloloko mo lang pala ako all this time. Diyan ka na sa MOY mo!" sigaw ko sabay bato nung mga letters sa kanya. Tumakbo ako pauwi ng bahay at doon na umiyak. Sayang! Next week na ang monthsary namin.
Sayang ang relationship namin 1 year and 4 months din yun. At ganun katagal din naman pala niya ako niloloko. Ang sakit alam niyo yun? Ang sakit salit sakit.Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko!
After 7 months
"Baklaaa! Nabalitaan ko yung date niyo ni Enrique! Oh my! I can't breathe. Kelan ba yon?" Hayy nakuu. Eto nanaman po si EJ. Ang bestfriend ko.
"Ah eh... Bukas. Bakit ba?"
"Wala lang. San ba yun?"
"Sa *insert restaurant name here* 6 PM"
"Oh my gosh! Super excited for you!!! Ahh ako pipili ng susuotin at sapa- UH OH." huh bakit ba?
Ooh shoot! Si DJ. Nakikinig nanaman sa usapan namin. Paktay nanaman tayo neto oh.
Bakit?
Eh kasi ganito lang naman yan. Kapag may nagyayang makipagdate sa akin. Gagawa siya ng paraan para di matuloy. Minsan idadahilan niya may project daw kami, kesyo kailangan daw mag-aral kasi may test at kung anu-ano pang kaetchosan. Kapag di siya nagtagumpay, masisira yung date namin. Alam kong siya may kasalanan. Bigla bigla na lang matatapunan ng kung ano-ano yung kadate ko or matatalsikan. Isang bese nga natapunan yung kadate ko ng sobrang init na soup. Basta! Ruined lagi ang date ko kaya ko nga siya iniiwasan eh para di niya malaman. Pag may manliligaw naman ako, gagawin niya lahat para lang tumigil ito. Yung totoo, tatay ba kita DJ?! Kaya ayan di parin kita nakakalimutan.
Pano ba kita makakalimutan kung ikaw mismomang gumagawa ng paraan para di ko magawa yun. Mahal ko pa rin siya.Yes. 7 months na kaming ganito. Always na lang. DJ ano ba?!
Dahil sa inis ko. Nilapitan ko siya.
"Ano bang problema mo ha?!" bulyaw ko sakanya
"Huh?" Kunwari ka pa.
"Asus. As if I know balak mo nanaman sirain ang date ko. Bakit mo ba ginagawa yon ha?!" Sigaw ko ulit. Grr. Naiinis na talaga ako.
"Bakit ka ba sumisigaw ha?"
"Sagutin mo ang tanong ko!!"
"Gusto mong malaman ang sagot ha? Ikaw ang dahilan. Kath mahal pa rin kita! Hanggang ngayon. Di ko nga alam kung anong nagawa ko eh! Walang iba Kath! Ikaw lang! Ewan ko ba kahit na ipagtabuyan mo ako mahal pa rin kita!"
"Ako lang?! Eh sino yung MOY sa love letters mo ha?! Sino?! Niloloko mo ba ako?"
"Huh? MOY? Alam mo ba kung ano ibigsabihin nun ha? Ikaw yun. Ikaw!!"
"Panong naging ako yun?"
"MOY. My Only You. Ikaw yun! Para sayo yung letters. Ibibigay ko dapat sayo sa monthsary natin eh kaso di na umabot." Disappointed na sagot niya.
MOY. My only you. Oh my Gosh! Ang tanga ko sana kasi nagtanong na muna ako.
"Sorry Kath sana sinabi ko sayo dati pa. Sana di ako agad sumuko."
"Sssh. Pottie okay lang. Kasalanan ko din yun. Sana nagtanong muna ako." Nahihiyang sagot ko.
"I love you Kath."
"I love you too DJ. Basta promise ako lang ha?"
"Oo ikaw lang. Diba ikaw nga si MOY. My only you."
---------------------------------------------
Nagustuhan niyo ba?
Reactions please. Comment kayo and Vote narin po :))
BINABASA MO ANG
One Shot Collection [KathNiel]
FanfictionHello there! So here's a collection of kathniel one shots! Hope you like it! :)