Kabanata 18: Drunk Call

722 17 3
                                    

I am so excited! Malapit na sa main plot. /wink/

Nakatulugan ko ang lubos na pag aalala kay Carlos. Nagising na lang ako ng maramdamang nag vivibrate ang phone ko mula sa ulonan. Inaantok man ay kinuha ko iyon at sinagot ang tawag ng kung sino man.

"Hello?" ani ko at kinusot ang aking mata.

"Odessa," napabalikwas ako ng marinig ang boses ni Carlos mula sa kabilang linya. Binuksan ko ang lampshade at tinignan ang oras, 2:50 in the morning.

"Carlos? Teka, ba't gising ka pa? Mag aalas tres na," sumandal ako sa headboard at hinilot ang sintido ko.

"I can't sleep." napahinto ako sa ginagawa.

"Are you drunk?"

"Uh, medyo." paos ang boses niyang sabi.

Napabuntong hininga ako at pinatay ang lampshade. Nag aalala ako at kinakabahan. He's drunk! Saan siya uminom at sino ang kasama niya? Kaya ba hindi niya nasagot ang tawag ko kanina ay dahil busy siya sa pag-iinom. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano. What if may nakasama siyang ibang babae at sinamantala niya ang pagkakataong iyon upang landiin si Carlos?

"Where have you been? Kararating mo lang ba? Kanina pa kita tinatawagan! My God, Carlos! Pinag aalala mo ako!" pigil pigil ko ang pagtaas ng boses at napapikit ng mariin.

"Sorry, nagkayayaan lang kami nila George na mag bar." natigilan ako. Wala pa man siyang sinabing ginawang mali ay sumisikip na ang dibdib ko.

"Bar? Nag bar ka?"

"Odessa, I know what you're thinking. Kaming apat lang ang magkakasama pati si Antonette. Kahit tanungin ko pa si Trix." sa sinabi niyang iyon ay kumalma ang naghaharumentado kong sistema.

I just don't know what to say. Malayo siya saakin at hindi ko siya nababantayan. What if may nagkakagusto na pala sa kanya sa Manila. And the fact na hindi ko siya kasama. That he is miles away from me. Ayokong mag isip ng kung ano pero hindi ko maiwasan. Carlos is too handsome. Napakakisig niya at alam kong madami ang nagkakagusto sa kanya. Natatakot ako.

"Pinag-alala ba kita? I'm sorry, my Odessa. Hindi ako nakapagpaalam dahil na low bat ang phone ko. Kanina pa ako nakarating. Masakit ang ulo ko at hindi ako makatulog."

"Did you take your medicine? Carlos, hindi naman sa pinagbabawalan kitang lumabas. Ang akin lang ay sana nagpapaalam ka ng hindi ako nag aalala." anas ko.

"Tapos na, uminom na ako ng gamot. Did I disturb you? I missed you. I love you." parang may dumaang kuryente sa bawat ugat ng katawan ko sa sinabi niya. Na kahit sa telepono ko lang narinig ang boses niya ay parang talagang kasama ko siya. Kinagat ko ang ibabang labi at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Miss na din kita,"

"Can I hug you from behind? Wala akong kayakap dito sa kwarto ko. Gusto ko iyong mainit, kagaya ng katawan mo." malungkot niyang sabi.

"Bakit ka pa nag papaalam? Alam mo namang gustong gusto ko kapag yakap yakap mo ako." kinuha ko ang unan at yinakap iyon. I really missed him. Bahagya siyang tumawa sa sinabi ko.

"Pero mas gusto mo iyong nakabaon ako sa'yo."

"Carlos!" suway ko sa kanya ng iba nanaman ang patutunguhan ng usapan namin.

"Odessa, miss na miss na kita. Miss na kitang ka ano. Tigang na tigang na ako."

Napalunok ako at kinabahan sa narinig. Pakiramdam ko ay nag iinit ang paligid ko kahit malamig naman ang simoy ng hangin. He really have ways. Syempre at miss ko na rin ang bagay na tinutukoy niya. And knowing Carlos, may pagka horny siya aaminin ko. Ngunit ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng kabastusan sa kaniya. It's always love.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon