Hindi ko alam kung saan kami patungo ni Eyrone. Basta na lang ako nagpahila sa kanya matapos niyang sigawan si Shantal. Hindi parin maalis sa isipan ko ang luhaang mukha kanina ni Shantal habang papalayo kami ni Eyrone. She must really love Eyrone. Dahil hindi naman siya iiyak sa harapan ng maraming tao at itrato ako ng ganoon kung simpleng atraksyon lang ang narardaman niya. But I think her love is psycho. Hindi ko alam pero mukhang baliw siya kay Eyrone.
Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng kung ano. Why can't Eyrone love her back? Maganda naman si Shantal at mukhang titino siya once na naging sila ni Eyrone. I don't know. Dapat hindi ko na siya inaalala dahil pinahiya niya ako ngunit hindi ko maiwasan. Gusto kong tanungin si Eyrone ngunit nauumid ang dila ko. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito.
Huminto kami sa isang pintuan at tuloy tuloy na pumasok. Bumungad saakin ang malaking opisina ngunit ang talagang nakaagaw ng atensyon ko ay ang malaking picture ni ma'am Sylvia na ngayon ay nakalagay sa frame at nakasabit sa dingding."Eyrone, opisina ito ng tita mo. Why are we here?" tanong ko ngunit hindi siya sumagot at nagtuloy na pumasok sa isang kwarto. Pagbalik niya ay may dala na siyang long sleeve na kulay white at hinuha kong sakanya iyon.
"Here," inabot niya saakin iyon ngunit hindi ko kinuha at tinignan lamang siya.
"Please, Odessa, wear it." napabuntong hininga ako at kinuha na lamang iyon sa kanya. "Doon ang banyo." turo niya sa isang pintuan kaya naman pumasok na lamang ako doon ng hindi sumasagot.
Hinubad ko ang blouse ko at binasa iyon ng konti at pinunas sa dibdib ko. Nanlalagkit ako dahil sa tinapong juice saakin ni Shantal. Naghilamos narin ako ng mukha pagkatapos ay isinuot ang long sleeve. Masyadong malaki saakin kaya naman tinuck in ko at linislis hanggang siko ko ang sleeve. Muli akong napabuntong hininga at inayos ang sarili bago tuluyang lumabas. Naabutan ko si Eyrone na ngayon ay nakaupo sa sofa at nakahilamos ang palad sa mukha.
"Eyrone," inagaw ko ang atensyon niya. Mabilis naman siyang tumingin saakin at tumayo.
"I'm sorry, Odessa, sa inakto ni Shantal. I really am. Pinagsabihan ko na siya ngunit hindi siya nakinig saakin. Shit!"
"It's okay. I understand her." ngumiti ako ng pilit ngunit tinignan lamang niya ako ng mariin.
"She likes you." napailing siya at binulsa ang dalawang kamay. I'm aware of it. Mukhang ayaw na ayaw niya talaga kay Shantal base sa reaksyon ng mukha niya.
"I don't like her."
"Why? Hindi mo parin siya dapat sinigawan kanina. Kasalanan ko din naman, e. Kumulo lang talaga ang dugo ko kanina ng tinatarayan niya si Shey. I don't like her attitude, but I think you can change her."
"I can't, Odessa. I don't like her, because I already like someone. Hindi ko siya pwedeng bigyan ng pansin dahil mas lalo lang siyang lalala. I've seen her in her worst. Maaawa lang ako sa kanya kapag nagkataon." hindi ako nakasagot at napatitig sa nakayuko niyang mukha.
Kung ganoon ay may mas malala pang kayang gawin si Shantal? Kaya niyang gawin ang isang bagay na ikasisira ng reputasyon niya para lamang kay Eyrone?
"I don't get it. Sa totoo lang ay ayokong makialam dahil wala akong alam sa inyo. Ayoko lang ay iyong sinasabi nilang kaya lang ako nakapasok dito ay dahil sa inyo ni Mr. Magsaysay." napaangat siya ng ulo at nakaawang ang labing napatitig saakin.
Tumawa ako ng peke at napailing. Totoo ang sinabi nila ngunit mapatutunayan ko naman na deserving akong mag OJT dito. Na hindi ko bibiguin si Mr. Magsaysay at siya.
"Funny thing is, hindi nila alam na may fiance na ako. I they could only knew."
"Iyon na nga, e, Odessa. May fiance ka na." sa sinabi niyang iyon ay napaawang ang labi ko at gulat na napatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Everlasting
General FictionHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?