Kabanata 16: Unsual

732 17 0
                                    

Nagmadali ako sa pag-aayos ng sarili at muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko sa salamin ng matapos. Nang masiguradong okay na ako sa ayos ko ay lumabas ako ng bahay at nag diretso sa may waiting shed. Alas nwebe ang usapan namin ni Eyrone at hindi ako pwedeng malate. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa siya samantalang ako na nga ang tinutulungan niya.

Nang may humintong jeep sa harapan ko ay kaagad akong sumakay. Sinulyapan ko ang aking relo at 8:30 na. Kung hindi traffic sa daanan ay makakarating ako on time. Napabuntog hininga ako at linabas ang phone ko. Naibagsak ko ang aking balikat at binalik iyon sa bag ko.

Wala paring text galing kay Carlos samantalang tinadtad ko na siya ng mensahe kanina. Nag aalala tuloy ako. Nakarating na kaya siya? Paano kung naaksidente siya sa daanan o kaya ay nakatulog habang nagmamaneho. Napailing ako at itinuon ang pansin sa labas. Hindi naman siguro, masyado akong nag iisip ng kung ano. Baka lowbat lang ang phone niya o kaya ay tinulog niya ang pagod sa pagbyabyahe.

Ilang oras pa lang kaming hindi nagkasama ngunit pakiramadam ko ay ilang araw na ang nakalipas. Muli akong napabuntong hininga. Miss na miss ko na si Carlos. Hindi pa naman ako sanay na hindi siya kasama sa tuwing may pupuntahan. Naninibago tuloy ako sa pagsakay ng jeep.

Nang makarating ako sa city ay nilakad ko na lang ang distansya patungong Cafe Esperanza sa may plaza. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay tanaw ko na si Eyrone kasama si Francis. Bigla ay kinabahan ako. Pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Carlos. Muli akong napailing. Alam naman ni Carlos ang bagay na ito at napag usapan na namin na makakasama ko si Eyrone. At isa pa ay nagpaalam ako sa kanya kaya hindi iyon magagalit.

Binuksan ko ang pinto at dumiretso sa pwesto nila. Ngumiti ako ng mapansin nila ako.

"Odessa, mabuti naman at nakapunta ka." ani Eyrone at pinanghila ako ng upuan.

"Oo naman, hindi ko pwedeng balewalain ang pagkakataong ito."

"Anong gusto mo? Kumain kana?" segunda ni Francis. Ngumiti ako ng pilit at umiling. Parang naasiwa akong makasama silang dalawa. I mean, hindi naman kami ganoon ka close lalong lalo na si Francis ngunit kung tratuhin nila ako ay parang kay tagal na naming magkakakilala.

"Tubig na lang. Kumain na ako kanina sa bahay." tumango naman si Francis at lumapit sa counter ngunit pagbalik niya ay may dala na siyang juice at slice ng cake.

"Thank you." tipid kong sagot.

"So, mabuti naman at pinayagan ka ng boyfriend mo?" tanong ni Eyrone at tinikman ang iniinom niyang kape.

"Fiance," pagbibigay ko ng diin. "Yup, pumayag siya kaso noong una ay ayaw niya. Atsaka isa pa nasa Manila siya ngayon. Inaasikaso niya ang comapany nila."

Napatango naman siya at muling tumikim sa kape niya. Napakagat ako sa labi at sumipsip sa juice. Shit, Odessa! Bakit iyon agad ang sinabi ko. Parang ang rude ko yata. I get it okay, kinukumpirma niya lang kung bukal sa loob ko ang pag OOJT sa resort nila. Sinabi ko lang iyon para hindi na siya mag-alala. Alam ko namang may gap parin sa kanila ni Carlos kahit pa pinsan niya si Joaquin.

"Kung ganoon, tara na sa Thunderbird? Nandoon na daw iyong ibang mag OOJT. Hinihintay na daw tayo ni tita." napatango ako at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang tissue.

Hindi ako kumibo at sumunod lamang sa kanila. Huminto kami sa Strada ni Eyrone. Laking gulat ko pa ng pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Get in, Odessa." ani niya.

"Salamat." ngumiti ako at pumasok sa sasakyan niya. Sumalubong saakin ang amoy ng sasakyan niya. Mabango at hindi masakit sa ilong. Umupo naman si Francis sa tabi niya. Nginitian pa niya ako ng mapansing nakatingin ako sa kanya mula sa salamin. Umiwas ako ng tingin.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon