" Jake POV "
Ang sarap ng tulog ko , as in ang sarap talaga . Ng biglang may kumakatok sa pinto ko , putek naman oh .
" Anak , gising na first day mo sa school kaya bangon na " sabi yan ng nanay ko habang patuloy parin sa pag katok sa pinto ko .
" Ito na ma , susunod na lang po ako sa baba " sa totoo lang ayuko talagang pumasok sa school ng first day , wala naman ginagawa magpapakilala lang naman , tapos mga teachers name and requirements .
Sumunod na rin ako pababa , napaisip nga naman ako . Mas magandang pumasok ng first day para narin sa requirement and sa mga magiging classmates ko :D . Naputol ang pagiisip ko ng nakaamoy ako ng ... ng .. Adobong manok ? . Oo nga pla pang hapon ang pasok namin sa school . Nakalimutan ko pala mag pakilala I'm Jake Santos 17 yrs. old isang tulugin pero hindi naman ganon , o tsaka na magpakilala , malalaman nyo naman ang pagkatao ko few days :).
Dumiretso na ako sa mesa . Sarap :D kinuha ko agad ang plato ng hindi nagdadasal .
" Anak , mahiya ka naman kailangan natin muna magdasal bago kumain , biyaya yan ng diyos " ay nako oo nga pla , sorry naman gutom lang eh .
Nagsimula na si mama magdasal , sya naman lagi nangunguna sa ganito eh.
" Ama namin , salamat po sa biyaya na pinagkaloob nyo samin araw-araw sana po ay wag kayo magsawa sa pagbibigay biyaya sa amin , maraming salamat diyos amen " Lakas maka thank you ng mama ko no :D
Nagsimula na kami kumain , naka dalawang dagdag ako ng kanin ( Gutom nga diba , pagpasensyahan nyo na ) . Natapos na kami kumain at syempre usap - usap tungkol sa happening sa everyday life .
" Anak kamusta ? sorry kung hindi kita natutulungan sa iba mong gawain sa school nung nakaraang taon " papa ko yan , sa totoo lang naiintindihan ko naman sya eh , ikaw ba naman mag trabaho magdamag para lang sa pamilya mo syempre kailangan mo rin mag sacrifice . Oo nga pala pansin nyo hindi ako gumagamit ng english , syempre simple lang kami , i ta try ko yan next time :) .
" Ok lang pa i understand " o yan nag english din :)
Pagkatapos ng pag-uusap , dumiretso na ako sa shower room . Pagkatapos ng masarap na ligo dumiretso na ko sa kwarto para mag bihis , maaga pa naman eh . Mas maganda kasi na maaga para makuha na rin yung schedule . Nagbibihis na ako at syempre tumitingin sa salamin para masigurado yun pagmumukha ko :D pogi ko kasi eh .
Pagkatapos magbihis , bumaba na ako at nagpaalam kay papa at mama . Lumabas na ako at ginamit ang sarili kong Car , Kulay red to plain lang na red kasi hindi ako maarte katulad ng iba ( uy may pinatatamaan ako sorry na ) . Habang nagmamaneho nagiisip rin ako magiging classmate ko pa ba sila ? kasi maganda na yung classmate mo uli yung dati mong classmate para kahit papano may makakausap ka at kilala mo na syempre . Napatigil ako ng pagiisip dahil may tumatawag sa akin .
" Jake !!!! , pre andito kami !! Uyy . " si Joshua yan ingay no parang ang tagal namin hindi nagkita OA nyan eh .
May kasama sya sino kaya yun ? Pinara ko muna sa parking lot sa loob ng school at pinuntahan si Joshua .
" Kamusta pre , no time no see " ako
" I'm fine bro , you ? " ang arte magsalita no , ganyan dito sa Burn Academy pinanganak na mayaman kaya ganun mag salita .
" I'm fine bro felling good " tugon ko
Pumunta na kami sa office ng principal , gusto kasi namin agad makuha ang schedule ayaw namin makipagsiksikan sa iba kaya nauna na kami . Wala pang masyadong katao tao .
BINABASA MO ANG
The Bloody Game
Mystery / ThrillerDo you have a friend ? I mean you can trust . What if your friend is a killer and try to kill you and your other friends ? What Can you do about it ....... If you have a friend , share this story and enjoy it .