Ngayon lang ako napunta sa lugar na ito, pero bakit ang tagal ko ng kilala ang mga tao dito at tila kabisado ko na ang bawat daan na nilalakaran ko. May nais akong puntahan ngunit hindi ko malaman kung saan. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa marating ko ang isang pamilyar na lugar, naalala ko na, ito ang tindahan ni Aling Nena, ngunit bakit parang nag-iba ang kulay at iba na din ang bantay.
"Anong sayo Venus?" tanong sa akin ng nagbabantay sa tindahan, hindi ko siya kilala ngunit bakit tila matagal niya na kong nakakausap? Bakit alam niya ang pangalan ko?
"Okay ka lang ba Venus?" Napatingin ako sa aking likuran kung saan nagmumula ang isang taong nagtatanong sa akin. Mas lalo akong naguluhan dahil hindi ko din siya kilala pero magaan ang loob ko sa kanya.
"Okay lang ako Deo" Sagot ko sa kanya, sa aking isipan ay naglalaro ang isang tanong, bakit ko kilala ang taong to? Bakit alam ko ang pangalan niya? Hindi ko maintindihan, pero parang matagal na kaming magkaibigan.
Lilisanin ko na sana ang lugar na iyon ngunit di ko nagawa dahil sa isang lalaking nakaupo sa tabi ng puno na kanina pang nakatitig sa akin. Nagtataka na naman ako, paano nagkaroon ng puno sa siyudad na tinitirhan ko? Ang lalaking aking nakita ay sumenyas na lumapit ako sa kanya at hindi pa rin niya naiaalis ang mga titig niya sa akin. Nagpasya akong lumapit ngunit ako'y nagulat dahil may malaking bitak sa aking daraanan, hindi ko alam kung paano nakapunta ang lalaking iyon sa kabilang linya. Lalong gumugulo, sobrang naguguluhan ako. Muli akong tumingin sa lalaki at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, nararamdaman ko ang pighati na kanyang dinadala, di na ako nag-atubili pang tanungin siya.
"Bakit ka nandiyan? Sino ka?" sigaw ko sa kanya.
"Hindi mo ba ako naaalala Venus?" pabalik-tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit may bahagi ng aking pagkatao na gusto siyang yakapin at makasama. Bigla na lang pumatak ang aking mga luha, hindi ko mapigilan ang aking mga mata. Hagulgol lang ako ng hagulgol hanggang sa mawala na siya.. nawala siya.
Nagising akong puno ng luha ang aking mga mata. Napanaginipan ko na naman ang lalaking iyon. Sino ba siya? Bakit palagi siyang pumapasok sa panaginip ko? Hindi ko maintindihan, wala talaga akong maintindihan.
Tumayo na ako at naghanda na para pumasok. Natapos ang isang araw na paulit-ulit na lang ang aking ginagawa. Malungkot, naglalakad sa kawalan at nag-iisip ng bagong maidadagdag sa buhay ko, pero wala..wala akong nahahanap ni wala akong nakikita. Nakarating na naman ako sa bahay na ito, sa bahay na ako lang mag-isa..tama ka sa nabasa mo, mag-isa lang ako. Ako si Venus, para akong isang planetang nag-iisa sa kalawakan, ramdam ang kalungkutan kahit na alam kong may iba pa kong kasama sa kalawakang iyon..kasama ko pero malayo sila akin..ilang milya ang layo nila sa akin. Bata pa lang ako ay iniwan na ako ng mga magulang ko, lumaki ako sa ampunan, sa madaling salita, ulila ako, walang kapatid at ako lang ang nagtataguyod sa sarili ko ngayong wala na ako sa ampunan na pinanggalingan ko.
Ito na naman, hihiga na naman ako at makikita ko na naman ang larawan ng aking paniginip. Gusto kong bumalik sa lugar na iyon at sana sa pagbalik ko ay malaman ko na kung bakit ako palaging naroroon, kung bakit ko napapanaginipan ang mga tao doon. Sa pagpikit ng aking mata ay nararamdaman kong papunta na ako..babalik na ako.
Nandito ako sa lugar kung saan naulit ulit ang mga eksena na nangyari rin sa mga nakaraan kong panaginip . Kailangan kong magtanong, kailangan kong malaman kung bakit ako nandirito. Nang makita ko si Deo ay agad-agad akong lumapit sa kanya , isa si Deo sa mga taong laging laman ng panaginip ko,
"Deo, paano mo ako kilala? Bakit mo ako kilala?" Pagmamadaling tanong ko sa kanya.
"Venus.." Biglang lumungkot ang kanyang mukha at sa halip na sagutin ako ay nagpatuloy siya sa paglalakad at nagtungo sa tindahan ni Aling Nena.
BINABASA MO ANG
"MGA KWENTO NI ATE"
Short StoryMga maiikling kwento na nagmula sa aking imahinasyon. Sana po ay inyong basahin! Maaaring maglaman ng horror/romance/fiction/fairytales at marami pang iba. Magcomment lamang kung may nais kayong tema para sa mga susunod pang mga kwento.