MOVE ON

3 0 0
                                    


Cyrill's Pov

          Move on, easy to say hard to do.Paano kung ang taong nagturo sayo kung paano magmove on ay sya ring mang iiwan sayo ?

          Umiiyak ako nun sa ilamlim ng puno ng mangga dahil iniwan ako ng taong mahal ko at pinagpalit iba.Bigla kang lumapit sa akin at inalok ako ng panyo.Tinaggap ko ito at nagpasalamat sayo.Nginitian mo lang ako at tinanong  "Lovelife?" Tumango lang ako.

         Hindi ko akalain na doon na pala magsisimula ang pagkakaibigan natin.Tinuro mo sa akin kung paano ko sya makakalimutan.Hindi madali pero nakayaan ko ito dahil araw araw mong pinapaalala sa akin na andyan ka lang sa tabi ko para alalayaan ako at tutulungan.

      Unti unti ko na nga syang nakakalimutan dahil sa tulong mo at kasunod nun ay ang pagkahulog ko sayo.At hindi ako manhid  para hindi maramdaman na mahal mo rin ako.

        Hindi kalaunan ay nag tapat ka narin sa akin ng iyong nararamdam ang sabi mo mahal mo na ako.Mga dalawang linggo ka ring nanligaw sa akin at hindi ko na pinatagal iyon sinagot na kita..
 

        Sobrang tagal na nating magkarelasyon higit 3 taon na nga eh!Kala ko maiiuwi na sa kasalan hindi pala sa wakasan pala.Sobrang sakit ng mga salitang huli mong sinabi. "Maghiwalay na tayo hindi na kasi kita mahal eh! Patawad".

        Tuluyan mo na na akong iniwan walang gabing hindi ako umiiyak dahil sa paghihiwalay natin...Ang sakit lang kasi pagkatapos ng 3 taon ganun na lang.Iiwan mo ako.Tulad ka rin pala nila..

       Narealize kong baka ganun talaga na hindi talaga tayo para sa isa't isa.Hihintayin ko na lang ang lalaking para sa akin talaga yung hindi la na iiwan.Forever ba ka mo.

      After 4 years

         Isa na ako ngayong matagumpay na guro at  ina sa dalawa kong anak at asawang si Lance..

      Nahanap  na rin sya .Ang lalaking para sa akin talaga.Yung hindi na ipaparamdam sayo na iiwan ka at sasaktan ka.

END

~~~~

     Pafollow po pls...

MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon