Guhit mula Lupa at Langit

35 1 0
                                    

Pag-ibig ay parang pagguhit pinaghihirapan at inaatupag. Ito rin ay parang larawan na makulay at maraming ibig sabihin. Pero kahit ito'y matibay at pinaghihirapa'y mapupunit parin. Tandaan na kahit mapunit yan ng ilang beses ay madidikit parin yan, tiwala lang kesa yung susuko ka agad. Oo hindi na siya magiging gaya ng dati, ano baman? Usong umulit 'di ba? Lahat ng bagay kahit pag-ibig o ano pa yan may solusyon, huwag kang sumuko agad.

Sa storyang ito ay makikilala natin ang lalaking si Kyle at ang babaeng si Skye na parehas na interes ang pagguhit.

Ano kaya ang kanilang storya?

Ano pa ba ang iyong hinihintay tara't lumakbay na sa kanilang mundo.

~ ♡ ~

"Oy! Ano magda-drama ka nanaman diyan? " tanong ni George, na baliw na kaibigan ni Kyle, habang tinititigan ang mga litratong nasa lamesang kaharap.

"Haha, baliw ka na naman. " sabi ni Kyle kay George na ngayon ay bitbit na ang bag niya.

Nagligpit na si Kyle at matapos ay umuwi na sila sa kanilang sikretong base. Halata sa kanilang katropa ang gutom kakahintay kaya binalak niyang bilhan ng makakain, kaso siya ay pinigil ni George sa pag-aakalang siya'y pupunta pa ng bilihan ng pangguhit at sila'y lalong magutom. Walang nagawa ay pinasama nalang niya ito.

~

Ng sila'y nasa mall na nasa likod lang ng kanilang base walang patumpik-tumpik ay tumakbo na si Kyle sa 'Art Shop' at naiwan kay George ang pagbili ng makakain. Papasok na sana si Kyle ng siya'y may nabangga. Tutulungan sana niyang tumayo ang nabangga kaso ay naunahan na siya nito, napansin niyang ito'y estudyante rin sa eskwelang pinag-aaralan niya.

"Miss pasensiya ah. " kamot-kamot ang batok na sinabi ni Kyle.

"Ok lang. " malamig at parang walang enosyon niyang sinabi saka ay nagmadaling umalis at si Kyle ay naiwan na nakatulala.

~

Sumunod na araw, napagisipan ni Kyle na pumasok ng maaga at hanapin ang nabangga niya kahapon.

Mukhang napa-aga ata siya kaya umupo nalang siya sa kanyang upuan at napaisip ng malalim. Naalala niya yung sinabi niya noon na parang may kulang sa kanyang mga guhit kahit na mukha itong maganda. Hindi lang naman kasi ang mata at kamay ang kailangan sa pagguhit kung 'di ay pati ang imahinasyon, puso't isipan. Parang sa pag-ibig hindi lang dapat panlabas ang basehan kung 'di ay kung siya ba ang tinitibok ng puso mo at isinisigaw ng isipan mo, h'wag rin limutang kung sino siya sa loob. Pero teka lang, paano ba napunta sa usapang pag-ibig ito?

Balikan natin si Kyle. Napansin niyang may pumasok sa silid at silang dalawa palang ang estudyante doon.

"Hi. " panimula ni Kyle, ngunit walang kibo ang katahi.

'Teka siya yung nag-iisa parati ah? Naaawa talaga ako sa lahat ng nag-iisa kasi naging ganun narin ako dati. ' sabi ni kyle sa kanyang sarili.

"Teka! Naaalala kita, ikaw yung nabangga ko kahapon. Pasensiya nga pala. " sabi ni Kyle ngunit hindi parin siya pinapansin.

Tila ba't walang pake si Skye, ang babaeng kasama ni Kyle ngayon.

"Interesado ka rin ba sa pagguhit? " tanong ni Kyle ngunit ang ginawa lang ni Skye ay maglabas ng limang pinagguguhitan. "Wow, ang dami ah! Pwedeng patingin? "

Binigay ni Skye kay Kyle ang mga pinagguhitan at kumuha ng isang libro upang mag-aral.

Manghang mangha si Kyle sa mga guhit ni Skye at ng matapos ay binalik niya iti kay Skye.

Guhit mula Lupa at Langit [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon