Clarish's POV
Natapos ang klase namin pero hindi pa rin nakakabalik yung dalawa. Saan naman kaya pumunta yung mga yun? Kahit si bessy kanina pa tingin ng tingin sa phone niya at sa upuan ni Gilbert.
Naglalakad na kami sa corridor nang mapatigil siya sa paglalakad. Binuksan naman niya yung shoulder bag niya at may kinuha siya mula roon. May isang red na box with white ribbon siyang hawak tapos nagulat ako nang iabot niya sa akin yun.
"Ano to bessy?" Tanong ko sa kaniya.
"Pasalubong ko yan sayo dahil hindi ka nakasama sa akin sa states. Open it."
Dahil na-curious ako kung anong laman nito ay hindi ako nakapagsalita at kaagad kong binuksan ito.
"Wow!"
Yun lang ang nasabi ko nang makita ko kung anong laman nung box. Isang napakagandang wrist watch na brown leather at kahit simple yung design ay halatang may kamahalan yung presyo nito.
Customize din ito dahil may nakalagay na pangalan ko sa ibaba ng tatak nung relo. Napatingin naman ako kay bessy na nakangiti din habang pinagmamasdan ako.
"My hunch was right that you'll definitely love that. Nakita ko yan sa isang shop sa states at ikaw agad yung naalala ko. May special features yan pero hindi mo na kailangang alamin basta just promise me one thing."
Nagsimula na ulit kaming maglakad habang nag-uusap.
"Okay I promise. Ano ba yun?" Sabi ko habang nakangiti sa kaniya.
"Nag promise ka na agad eh hindi mo pa naman alam kung ano yun? Ikaw talaga bessy, anyways I just want you to promise me one thing na kahit saan ka magpunta ay hinding hindi mo kakalimutang isuot yan. As much as possible wag mong tatangalin yan unless maliligo ka or matutulog ka, okay?"
Yun lang naman pala. Kadali lang nun isusuot ko lang naman palagi at kahit hindi naman niya sabihin ay yun din naman talaga yung gagawin ko.
"Promise na promise yan bessy, akala ko naman kung ano. Tsaka ano bang special features nito? Madali ko lang naman sigurong mapag-aaralan." Para saan pa at naging honor student kung di ko yun magegets diba.
"You're so persistent huh? I already said that you don't need to know what it is because it's been set already and besides it's a watch at para saan ba yan? It's no big deal bessy."
Tama nga naman, ang purpose lang naman nito ay para malaman yung oras. Bakit kasi may pa 'special features' pa siyang nalalaman.
Andito na kami sa labas ng school ni bessy at hinihintay na lang namin yung driver niya.
"Tara bessy, I'll take you home na." Aya ni YanYan.
"Nakoo, wag na bessy mag ji-jeep na lang ako." Out of way kasi yung bahay namin sa kanila kaya tumanggi akong magpahatid.
"Sure ka ba? Maaga pa naman. Tsaka tell me agad kung nahihilo ka or nasusuka ha? I'll bring you sa hospital agad."
"Don't worry bessy, okay na talaga ako. Thank you. Sige na andyan na yung driver mo."
"O sige, tawagan mo lang ako if anything happens ah? Bye love you bessy!" Niyakap muna niya ako bago siya sumakay sa kotse niya.
"Bye bessy! Ingats labyu 'lam mo yan."
Habang nag-aabang ako ng jeep ay may sports car na blue na huminto sa harapan ko. May isang lalaking naka uniform ng SBA na bumaba mula doon. Wait? Student tapos naka sports car? Sosyal big time!
"Jane!" Luh? Jane daw? Ako yun ah?
Teka, si..
"Angel"
...lang yung tumatawag sa kin ng ganun ah?
"Angel? Ganun ba ko ka gwapo para maging angel?" Sabay kindat.
Shocks! Nasabi ko pala yun ng malakas?
Nakakahiya grabe! O lupa lamunin mo na ako.
"You're cute... he chuckled, ...especially when you're blushing."
Napayuko na lang ako sa sobrang hiya. Anong sasabihin ko? Parang umurong bigla yung dila ko.
"Hey, it's alright. Come, I'll give you a ride."
"Ay, wag na. Nakakahiya naman sayo, mag-aabang na lang ako ng jeep. Thank you na lang."
"I insist. Para makabawi naman ako sa nangyari sayo kanina. I'm sorry again."
"Kanina ka pa nagsosorry, pinatawad naman na kita eh."
"Pag hindi ka pumayag na ihatid kita ibig sabihin hindi mo pa ako pinapatawad."
Napaka persistent naman nito, mukhang di tumatanggap ng 'hindi'.
"I won't take no for an answer." Mind reader din pala yung angel?
"Sure ka ba na isasabay mo ako dun?" Itinuro ko yung sasakyan niya.
"Oo naman, bakit hindi?"
Baka mag mukha akong yaya niya. Ano na lang ang sasabihin ng iba na may girlfriend siyang low class?
Teka nga? Kelan pa ako naging ilusyonada? Ihahatid lang daw ako pauwi para makabawi siya sa nangyari kanina. Yun lang yun.
"Ah..eh..wala, tara na?" Yun na lang yung nasabi ko.
"Sure." Ang cute cute talaga ni angel kapag naka smile.
Naglakad na kami papunta sa sasakyan niya at nang makarating na kami ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. Nang makapasok na ako sa loob ay napansin ko na malinis, mabango na parang babae ang may ari ng sasakyan. Mukhang metikuloso si angel ah?
Pumasok na siya sa driver seat tapos...
O_o
Anong?
o_O
Tug dug tug dug tug dug
Gagawin niya??!
>_<
Napapikit na lang ako ng lumapit siya at halos 1 inch na lang yung pagitan ng mga mukha namin.
*click!*
-_-
Ikakabit lang pala niya yung seatbelt sa akin. Tsk! Clarish, my goodness! Ganyan ba kalala yung tama ng bola sa ulo mo? Kanina ilusyonada, ngayon naman asumera?! Baka naman sa susunod maging desperada ka na.
Oh my gulay! Mag pa CT Scan na kaya ako? Baka na-damage na yung brain ko.
Nabalik lang ako sa huwisyo ko ng marinig kong tumawa si angel.
"You're really cute, even when you're embarassed."____________________________________________
A/N: Pasensiya na po kung mabagal ang update, next week po ulit yung mga susunod na chapters!
Goodnight readers! Love lots! Mwuah!
BINABASA MO ANG
Obsession [On Hold]
Teen FictionHave you experienced falling inlove? Be loved? Maybe, yes. It's nice to love and be loved. Paano kung yang LOVE na yan ang magiging worst nightmare mo? Or should I say, YOU WILL BE THEIR WORST NIGHTMARE? Find out how LOVE becomes the SCARIEST thing...