Season 2: Chapter 16

402 16 5
                                    

16: Realize

"Wess pare lasing ka na."

"Yeah right. Sana nga. Sana nga lasing na akoara naman makalimutan ko na agad ang sakit. Sana makatulog na agad ako tapos paggising ko ayos na." Uminom ulit aoo ng alak. Inubos ko ang laman ng bote. Hoping that this will at least lessen the pain that I am feeling right now.

Masakit maloko. Masakit na nagmukha akong tanga. Na nagpakatanga ako para sa maling babae. Na nagpakagago ako para sa babaeng hindi naman deserve ang pagmamahal ko. Masakit na ang tagal taga,kong pinaniwala ang sarili ko na siya yung mahal. Na mahal ko si Mikaella. Pero all along pala si Ianne lang ang mahal ko.

Yes, sa wakas narealize ko rin na si Ianne pala. Na matagal ko na pala siyang mahal. Na kaya pala hindi ko siya maalis sa sistema ko ay dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko pala siya. In denial lang ako dahil ang akala ko sa kanya ay isa siyang kaibigan.

"Huli na ito Wess. Napapagod rin pala ako. Napagod na pala ako. Sa paglabas ko sa pintuan na to, isa lang ang pangako ko, wala ka nang babalikan."

Naalala ko pang sabi niya. That was the last conversation that we had and that was 4 months ago. Sa sobrang katangahan ko, hindi ko man lang naisip na sundan siya. Hindi man lang ako nageffort na puntahan siya, sila ni Andrea.

Bakit ba ngayon ko lang narealize na mahal ko pala siya. Bakit ngayon ko lang naisip na hindi ko pala kayang wala siya. I was so conceived na si Mikaella ang mahal ko, kaya naman nawalan ako ng panahon na isipin kung sino talaga ang gusto ko. I forgot about Ianne.

"Pare, kung mahal mo, bakit hindi mo sundan?"

"Wala na. Hindi na niya ako tatanggapin. I was so late. Napagod na siya. Naiintindihan ko naman kung ayaw na niya. She gave me already a second chance pero binalewala ko yun para kay Mikaella. Do you think bibigyan niya pa ako ng third chance?"

Natawa ako sa sinabi ko. Ikatlong pagkakataon? Imposible.

"Alam mo kasi Wess ang tagal niyang naghintay sayo. Mula pala highschool ay mahal ka na niya. Sa tingin mo ba basta basta na lang matatapos yun, mauubos?"

"Yeah, she loves me. Since highschool sabi mo? I think nasagad ko na yun. She gas been loving me almost all her life, pero hindi siya sumuko. Pero ngayon, wala na siya na ang nagsabi. Pagod na siya." Bahagya kong pinunas yung mata ko. I am crying for god's sake. Mahal ko kasi siya. Mahal ko talaga.

"So hahayaan mo na lang? Ang tagal tagal ka niyang pinglaban, tapos pababayaan mo na lang? Bakit hinsi mo rin itry na ipaglaban siya. Hell pare, siya na lang ba lagi ang lalaban para sa inyo? Bakit hindi mo kaya subukan, bakit hindi ka gumalaw?"

Lumabas si Uno para kumuha ng alak pa. Sundan siya? Sa tingin ba ni Uno hindi ko ginusto yun? Isang buwan na kaming hiwalay ni Mikaella. Hindi ko alam kung nasan siya kya hahayaan ko muna. Sa isang buwan na yun, wala akong ibang ginawa kung hindi ang isipin kung sususnod ako o hindi. I even hired an investigator para subaybayan sila. Para pa nga akong stalker na walang ibang ginawa kundi bantayan ang facebook at twitter nila ni Andrea.

Pero sa bandang huli, ako rin ang naduduwag. Yes call me coward pero hindi ko talaga alam kung paano ko lalapitan si Ianne. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na mahal ko siya. Kung paano ko sasabihin na nagsisisi ako. Dahil kung ako man ang ginago na tulad ng ginawa ko kay Ianne, sigurado ay hindi ko rin mapipigilang magalit.

Hindi ko alam kung paniniwalaan pa niya ako. I don't know what words to say and what actions to do. Natatakot ako na mareject ni Ianne. Natatakot ako na sasabihin niyang hindi na niya ako mahal, kaya ayokong puntahan siya.

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon