Meron Ba? (One shot story)

151 5 3
                                    

(a/n: dedicated kay Ate Ayesa… gift ko po sa kanya dahil birthday kamakailan~!! Take note po, si Lee Kiseop ng UKISS po ang gumanap diyan. Kunwari po magka-love team silang dalawa well in fact, KAMI ni kiseop ang BAGAY~!! Hahah!!! I love you Ate Ayesa, thankful ako kase nakakilala ako ng isang taong katulad mo~!! Saranghae~!!! ♥)

 paki-play po nung video sa gilid para mas masaya~!! haha, credits sa owner ng video, salamat ng marami~! (^___^)

Meron Ba?

(One-shot Story)

By: ChrisNica

Copyright © 2013 ChrisNica

All rights reserved.

 No part of this story may reproduce or portions thereof in any form whatsoever without permission from the author.

Names, characters, places and incidents are products of the author’s imagination. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

AYESA’s POV:

“Hoy, kainan ito hindi tambayan!” mula sa pagkakatungo ay napalingon ako sa nagsalita. Psh~! Crew lang pala! Pero hindi basta-basta crew ng Mcdo ang nagsalita dahil kakilala ko siya. Obvious naman dahil kinausap niya ako kahit nagpupunas siya ng mesa na kaharap lang ng mesa ko.

“Pakialam mo ba? At tsaka hindi ako natambay dito ano?” sagot ko sa kanya at dinampot ko ang cellphone ko at kunwa’y nagtetext kahit ang totoo ay hindi naman.

“Eh bakit walang lamang pagkain yang lamesa mo? Ang daming customers oh~! Kailangan namin ng table. Sa kakapalan ng mukha mo eh ang kinuha mo pa talagang mesa eh yung pang-apatan.” Patuloy siya sa paglilinis ng lamesa pero dakdak naman siya nang dakdak. Aba, ang galing naman nitong lalaking ito. MULTI-TASKING~!

“May iniintay lang ako…” halos pabulong ko lang sinabi iyon at tumungo ako upang hindi ko makita ang reaksyon niya.

“MERON BA?? Sino? Boyfriend mo?” nagulat ako kase lumapit siya sa akin at literal na magka-‘face-to-face’ kami.

>///////< itinulak ko nga…

“Tsk~! Ikaw, crew ka ng Mcdo! HINDI KA TSISMOSO~!” pagalit kong sabi at umiwas ako ng tingin bago pa niya mahalatang namumula ang mukha at tenga ko.

Hay, bwisit na Lee ito ah~! GINAGALIT ANG PUSO KO~!! Haha!

“Eh kase…” magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya.

“Magtrabaho ka na lang kundi isusumbong kita sa Manager mo~!” sabi ko sabay nguso dun sa Manager nila na nasa may counter.

Agad namang umalis sa harapan ko si Lee. Napabuntong-hininga na lang ako pag-alis niya.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong iniintay eh…

~Flashback~

“ATE AYEEEEEESSAAAA~!!” napaigtad ako sa biglang tumatawag sa akin. Ang lakas din naman ng loob niya na sumigaw dito sa corridor na parang walang maaaring sumitang prof sa kanya.

Paglingon ko, si Tin-tin pala~! Kaibigan ko na sobrang taklesa. Nagulat ako nang biglang dumamba siya sa likuran ko.

“Tsk~! Tin-tin, pwede ba? Bumaba ka at masyado kang mabigat~!!” Agad naman siyang bumitaw pero kandahaba na ang nguso niya at bubulong-bulong pa.

“Ano bang problema mo at para mo nang nakita si Choi Jong Hoon?” tanong ko sa kanya. Bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at tinitigan ako ng may ‘oh so sparkling eyes’. Yung parang sa mga anime.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meron Ba? (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon