MIKA
Medyo-- ay mali. Masakit pala talaga ang ulo ko ngayon. Hindi naman marami ang nainom ko kagabi at light beers lang naman yun. So, bakit ako naging ganito?
Hayss. Siguro yung nakita ko rin kagabi ang isa sa mga dahilan ng pagkasakit ng ulo ko.
Flashback
"Huy, saan nga CR dito?" Tanong ko kina Kim.
"Doon oh." Turo niya sa likod. "Bakit di ka pa sumabay kay baby mo?"
"Malay ko bang maiihi rin ako." Sagot ko sa kanya at lumakad na ako patungong CR.
Habang papalapit na ko sa pagliko patungo sa corridor papuntang CR, may bigla napaatras na babae at si Vic yun kaya agad akong tumakbo papalapit.
"Vic." Tawag ko rito at tumingin ako sa lalaking nasa harap niya at biglang lahat ng past memories ko ay nagflashback.
"Kiefer?!"
"Mika.." sambit niya.
Oh My God. Why Kiefer is here? Bakit nangyari ito?!
Agad kong hinila patayo si Ara at saktong tutulong si Kiefer pero bigla kong itinaas ang kaliwang kamay ko.
"Wag na. Kaya na namin ito." Matigas kong sabi.
Buti na rin at nagkusang tumayo si Vic para hindi na ako mahirapan.
"Kief, bakit ka nandito?" Tanong ni Vic.
"Hindi ba sinabi ko sayong magbabakasyon ako?" Pabalik na tanong ni Kiefer sa kanya.
Tumingin ako kay Vic na para bang sinasabi ko sa kanya na "bakit hindi mo sinabi?" look.
"Wala ka namang na sabing dito." Sagot naman ni Vic.
"Ah oo. I forgot. Pero ano naman atleast we saw each other again. Let me start this over again." Kampanteng sagot ni Kiefer.
"Hello again Ara!" Kumaway ito kay Vic at itinaas lang ni Vic ang kamay niya.
"And hello Mika. Long time no see." Seryoso niyang sabi at ngumiti siya ng bahagya.
"Ah, wait lang Kiefer ah. CR lang kami." Paalam ni Vic at hinila niya ko papasok sa CR.
"Paano na?" Tanong ko kay Vic. Hindi ko mawari ang itsura niya at nakahawak lang ito sa sintido ng ulo niya.
Pati ako nag-iisip dito ng malalim. Pati nga yung dapat na pag-ihi ko, nawala na dahil sa nangyari.
"Sasabihin mo na ba?" Muli kong tanong.
"Si Kiefer yung nakita ko kanina." Sabi ni Vic at pinatong niya ang dalawa niyang kamay sa sink.
"What?" Lumapit ako sa kanya.
"Noong nasa table pa tayo bigla akong may nakitang lalakeng nakatayo at nakasando rin tapos nakitingin sa atin."
"So, do you think he saw what we're doing kanina?"
"I think so."
"Sasabihin mo na ba?" Ulit kong tanong.
Huminga muna siya ng malalim at ipinikit ang mga mata niya.
"No Mika. This isn't the right time yet."
.
.
.Hay. Ayoko nang mag-isip! Lalong sumasakit ang ulo ko. Nagulat akong may lumabas na tao sa CR at si Vic lang pala yun. Kita mo, sa kakaisip ko gumising na pala si Vic.
BINABASA MO ANG
SWITCHED (Book 1)
FanfictionDLSU's Ara Galang and ADMU's Kiefer Ravena are bestfriends. Only few people know about their friendship because most of the people knew that they are enemies because of the rivalrg between their schools but in reality, they are not. They treat each...