Chapter One: Magkapatid

3K 48 0
                                    


Chapter One: Magkapatid

ALYANA's POV

"Alyana! Gising na papasok ka pa!" Naririnig kong sigaw ni Daddy sa labas ng kwarto ko.

"Maya na daddy!" Naiinis na sagot ko.

Inaantok pa ako eh.. Lagi namang ganto tuwing umaga eh!

"Panget!! Gumising ka na nga dyan. Baka gusto mong pumasok ng hindi naliligo?!" Naririnig kong sigaw ni Marco sa labas ng kwarto ko.

Bumgon na ako bago pa magiba ni Marco yung pinto ko. Binuksan ko yung pinto na kinatumba nya. Sisipain sana nya yung pinto eh binuksan ko ayun tumba sa sahig.

"Subukan mo ulit na sipain ang pinto ko baka mukha mo na ang sipain ko.!" Sabi ko sa kanya.

"Nya nya nya! Wathever paget! Maligo ka na nga at magmumog ang baho ng hininga mo!" Sabi nya.

Hiningahan ko muna sya sa mukha sabay takbo hahaha nakaganti rin..

"Bwisit ka pangeeet!" Sigaw nya. Hahahaha ...

Pagka tapos kong gawin ang ritwal sa banyo ay nag ayos na rin ako at bumaba na para kumain. Baka kasi maiwan ako nila daddy ehh. Nang-iiwan kasi yun eh..

"Wow panget ang panget mo talaga!" Sabi ni Marco sakin nung pag dating ko sa kusina para kumain.

"Alam ko namang maganda ako Marco eh! Wag mo ng masyadong i-emphasize" sabi ko kay Marco at umarte sya na nasusuka.

"Whatever panget!" Natawa lalo ako nung inirapan nya ako.

"Nice! May babae na akong kapatid! Hi SIS Marco!"

"Argh! Bwisit ka talaga Pangeet!"

"Tahimik!!" Sabi ni daddy. Hindi sya sumigaw pero may autority sa boses nya.

"Sorry daddy!" Sabi namin ni Marco ng sabay.

Nung natapos na kami kumain ay hinatid na kami ni daddy sa school sa new school namin ni Marco.. Pero himala at hindi kami nag aasaran ni Marco. Hahaha halata bang malakas akong mang asar?

Nag hiwalay na kami ni Marco ng landas. Pumasok sya sa gate ng elem at ako naman ay sa high school. Oo nga pala elem palang si Marco grade 5 palang sya pero ako naman ay Grade 10..

Habang nag lalakad ako papunta sa room ay pinag titinginan ako. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?

"Hi ateng maganda! Tara hatid na kita!" Sabi nung lalaking... Aahmm. Ewan ko..

Ngumiti lang ako at nag madaling mag lakad..

"Pag tingin ko sa likod ko ay marami na palang mga lalaki sa likod ko. Hala ganito ba dito?

"Ate!" Narinig kong tawag ni Marco sa akin. Bakit nandito sya?

Huminto ako at nilapitan nya ako.

"Teka syota mo ba to?" Tanong nung lalaki.

Nagulat ako nung inakbayan ako ni Marco.well mas matangkad pa sa akin si Marco eh. Tsaka mas matured ang mukha nya kaya minsan napag kakamalan na kuya ko sya.

"Oo bakit? May angal ka?" Hindi ko alam kung matatawa ako o ano ehh! Kasi pinipilit nyang lakihan yung boses nya eh.

"Wala! Tara na guys!" Sabi nung lalaki na nakasagutan ni Marco.

"Huh! Ayos ba panget?!" Sabi nya tas inapiran nya ako..

"Ayos!" Sabi ko.

"Teka bakit ka pala nandito?!" Tanong ko sa kanya.

"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko sayo ibigay yung baon mo!" Sabi nya. Nilahad ko yung dalawa kong kamay..

"Dahil tinulungan nanaman kita ay kailangan mo akong bayaran panget. 100 ang baon mo at kukuha ako ng 50! Ayan na! Babye!" Sabay takbo.

Walangya! Kinupitan pa ako ohh...





ANG KAKLASE KONG MANYAKISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon