Ella's POV
Nagising nalang ako sa isang lugar na parang disyerto. Malamig dito kasi gabi na. Naglakad-lakad muna ako upang malaman ko kung asan ako. Napalingon nalang ako bigla nang may malakas na tunog ng isang yapak ng isang higante. Paglingon ko sa likuran ay nakita ko ang isang matangkad na nilalang kaya't napatakbo ako.
"Lord help me. Sana patawarin mo ako sa mga kasalanang nagawa ko. I promise magbabago na ako kung maliligtas ako dito sa kapahamakan." Pagdadasal ko habang hinahabol ako ng higante.
Habang tumatakbo ako ay bigla nalang ako nadapa. Shetness naman! Sinubukan kong tumayo pero hindi ako makatayo. Tiningnan ko ang tuhod ko at para ata akong nabalian.
"What the frog! Shet! Malapit na siya. Huhuhuhhu! Lord help me!" at sumigaw ako.
"WAHHHHHHH!" at napatayo ako sa pagkakahiga. Wow! Isa lang palang nightmare and special ito dahil isa 'to sa mga special nightmares ko.
I checked my phone on the table beside my bed and it's still 3:58 AM. Gosh! Ang aga pa ata.
Sinubukan kong matulog pero ayaw kong pumikit eh. Takot kasi ako sa mumu, kaya binuksan ko nalang ang light.
1 hour...
2 hours and 30 mins ...
3 hours ...
At yun na nga hindi na ako makatulog. Grabe naman kasi ang panaginip ko. Ikaw ba naman habullin ng higante na mukhang kapre. Hahahha! Pero siya yung may magandang hitsura na kapre. Hehe!
Pagtingin ko sa phone ko, it's 6:02 AM. A-aga nalang ako, kaya't naligo na ako. Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako. Mabuti nalang at katatapos lang ni mama na magluto ng breakfast and yummy ang breakfast ko. Alam mo kung ano breakfast ko? Tapa, Itlog, Pancakes, at Fried Rice. Yummy talaga 'yan kasi luto 'yan ni mama eh.
Pagkatapos kong kumain ay binigyan na ako ni mama ng P200 ko na baon. Well, hindi naman kami mayaman at 'di naman mahirap, 'di tulad sa ibang stories dito sa Wattpad. Simple lang ang pamumuhay ko. Sige magpapakilala na ako. Ako si Ella Mae Velloso, 16 years of existence, 4th year highschool at naninirahan sa Baranggay Putot.
Author: Ella! Ella! Ano ang weight and height mo?
Ella: Kuya author naman eh!
Author: Nagtatanong lang. Teka? Bakit ayaw mong ipaalam sa amin ang weight and height mo?
Ella: Ano naman pake nila?
Author: Kasi concern lang kami sa 'yong health.
Ella: Concern, concern ... Che!
Author: Sige, ide-delete ko talaga 'to sa Wattpad.
Ella: Sige go! Ay teka? Ide-delete? No!
Author: Kaya nga sabihin mo na ang weight and height mo.
Ella: Soon!
Author: Aasahan namin 'yan ha! Sige iwanan muna kita sa mga readers.
Ngayon, naghihintay muna ako ng masasakyang jeep. Time check, 7:02 AM brought to you by San Miguel Beer, Inumang walang katulad. Habang naghihintay, biglang may tumulak sa akin at .... Si Alexander 'yon, my mortal enemy since First year.
BINABASA MO ANG
Ikaw na matangkad
General Fiction"Tumubo daw, eh pang Going Bulilit nga ang height mo eh! Hahahahhaha!" -Alexander Ikaw na Matangkad Written by KuyaFerrari21 ©2015