Chapter 7

8K 75 0
                                    

"Good afternoon Miss Jane!" Nakangiting bati sa akin ni Marcus na gwapong gwapo sa 3 piece suit na suot.

"Good afternoon Marcus." Nakangiting bati ko sa kanya habang bumababa sa hagdan. Hindi naman na ulit ako kinulong ni Thunder sa kwarto. Malaya na akong gawin ang gusto sa loob at labas ng mansyon.

"Do you know where Thunder is?" tanong ko ng nakababa na ako. Tatlong araw na kasi mula noong huli kong makita si Thunder and that was the night he took my virginity.

"He's entertaining our guests in the pool."  Guests?

"Who are these guests?" Nakakunot ang noong tanong ko. Inilahad nito ang siko at inaaya akong pumunta sa rightside ng mansyon kung nasaan ang pool.

"That's Miss Carolina, Mister Hanson and our master's fiancee, Miss Pamela." Tinuro nito isa isa ang mga tao.

Nastuck ang mata ko sa Miss Pamela na fiancee ni Thunder. Naka akbay si Thunder sa kanya habang nagtatawanan sila. Yung dalawang babae ay naka swinsuit habang si Thunder at yung isang lalaki ay nakacasual get up lamang. They are all laughing. Maganda si Pamela. Maamo ang mukha, black long hair, aristocratic nose and a body of a model. Bagay na bagay sila ni Thunder. Kumirot ang puso ko ng sinubuan ng babae si Thunder.

Tumatawa siya. Sa tagal ko siyang nakilala, ngayong ko pang siya nakitang ganyan kasaya.

"Pamela Haskins is one of the world's top model. They have been an item for 2 years now." Napatingin ako kay Marcus. Nakatitig din siya kina Pamela at Thunder.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Thunder is cheating his girlfriend with me. Napangiti ako ng mapait. He has a girlfriend and also a slave. At ang pinakamasaklap ay yung ang saya saya niya ngayon. Ngayon lang ako nainis sa tawa ng isang tao. Laking kasalanan!

Tumingin yung isang lalaking kasama nila sa amin ni Marcus. Ngumiti ito at kumaway. Ngumiti din si Marcus at nag bow slightly.

Nagpaalam ako kay Marcus at tinungo ang kwadra. Nagtungo kami ni Twinkle sa maliit na falls sa gitna ng gubat. Nahanap ko ang lugar na ito ng naligaw ako kahapon. Itinali ko si Twinkle sa isang sanga at umupo sa malaking bato malapit sa ilog. Maliit lang ang batis pero napakaganda. Napapalibutan ito ng mga puno kaya naman kahit mataas ang araw ay hindi ka masisinagan.

Naalala ko ulit si Thunder at yung fiancee niya. Magiging ano ba ako kung magpapakasal sila?

"Hi." Nabigla ako nung may nagsalita sa likod ko.

Nakaupo yung lalaki sa bato malapit sa akin. Tumaas ang balahibo ko. Hindi ko napansin na nakalapit pala siya. Siya yung kasama kanina nina Thunder. Anong ginagawa niya dito?

"James Hanson at your service." He offered his hand.

"Jane." Saad ko sabay abot ng kamay ko. Nabigla ako ng hinalikan niya ang likod ng kamay ko. Playboy alert! Natatawang saad ko sa isip.

Gwapo si James. Black hair, green eyes, lean body. He's wearing a white shirt and a summer pair of short pants.

"I've never seen you here before." Nakangiting saad nito at umupo sa tabi ko.

Gusto ko siyang taasan ng kilay, sino ang nagsabing pwede siyang umupo sa tabi ko?

"Are you a relative of Thunder?" Nakangiting saad nito.

"I..." Hindi ko alam sasabihin ko. "Uhm. Personal assistant." I forced myself na wag ngumiwi ng sabihin ko yun. Tinitigan naman niya ako ng mataimtim.

"Okay." Saad nito na nakatitig pa rin sa akin.

Nagusap kami ni James ng halos isang oras. Nalaman kong bestfriend pala niya si Thunder. Working daw pero ayaw sabihin kung saan. Hindi daw niya gf yung kasama niya kanina. Kapatid daw pala. 29 years old and looking for wife DAW!

MY MIDNIGHT VISITORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon