Chapter 9-- Surprise

248 13 8
                                    

Chapter 9-- Surprise

 Kamille’s POV

4 days na lang at pasko na. Mabuti naman at hindi ako masyado na-bore kagaya ng dati. Minsan nakakausap ko si Christine sa phone. Minsan tinatawagan din ako ni Dylan pero sobrang dalang. Ganun ba siya ka-busy talaga? Well, sa bagay, bakit naman niya kailangan dalasan ang pagtawag sa’kin diba?

Oo nga pala, wala pa akong regalo kila mommy. Paano kaya ito? Pwede kayang magpasama sa kanya?

Kinuha ko yung phone ko sa study table at saka siya tinext.

To: Errol

Favor please?

*sent*

Sana lang magreply siya at pumayag sa favor ko. Sana lang talaga. After some minutes, naramdaman ko na nag-vibrate ang phone sa mga kamay ko, kaya binuksan ko ito para alamin kung sino ang nagtext. Sana, si Errol na 'to.

1 message received..

From: Errol

What’s that?

Nireply-an ko naman siya agad-agad..

To: Errol

Wala kasi ako kasama, eh malapit na mag-Christmas. Eh di ba mabait ka naman? Hehe may shooting ka ba? Sana hindi ka busy. Uh, ano eh, papasama sana ko bumili ng regalo para kila mommy kung okay lang? Pero kung hindi okay lang din. Pasensya na ah.

*sent*

 Hindi ko alam ang exact words na dapat sabihin para mapapayag siya kaya ang dami ko pang paligoy-ligoy. I crossed my fingers while waiting for his reply, sana lang talaga pumayag siya. Makalipas naman ang ilang minuto, nag-vibrate ulit ang phone ko..

1 message received..

From: Errol

I’m sorry, ayoko. Busy ako.

Ah, okay. Artista pa din siya, nakakalimutan mo ata Kamille. Hindi siya pwedeng sumama sayo kung kalian mo gusto. Nireply-an ko na lang din siya kahit bahagya akong na-disappoint sa naging reply niya.

To: Errol

Uh, okay lang. Pasensya na sa abala.

Then i sent it. Dahil sa hindi nga ako makaalis ngayon, tinatamad na naman ako. Wala akong magawa kung di magbutingting ng kung anu-ano dito sa room. Grabe, paano kaya ako makakabili ng regalo kila mommy? Eh pag nagpaalam ako baka samahan pa ko ni kuya. Eh di hindi na surprise? Kung nandito lang sana si Dylan eh. Bigla ko tuloy siya na-miss.

Naisipan ko na lang na magbasa sa Wattpad ng kung anu-anong short stories pampalipas oras. In fairness naman, nakakalibang nga siya. Yung iba sobrang nakakatawa, yung iba naman nakaka-iyak. Napansin ko naman na ang daming puro tungkol sa Gangster. Yung iba nga nakaka-relate ako eh, yung NBSB. Saka dun sa tinatawag nila na “Nerd”. Dun lang. Pero ang dami daming stories, hindi ko na alam kung ano uunahin.

 Habang nagbabasa ako sa harap ng computer, narinig ko naman na may kunatok mula sa pintuan ng kwarto ko.

“Kamille anak.” Sabi ni manang mula sa labas ng kwarto.

 “Ano po ‘yun?”

“May bisita ka anak.” Natigilan naman ako bigla sa pagbabasa sa sinabi ni manang. Sino pang bibisita sa’kin e wala naman akong kaibigan?

“Sige po bababa na po ako.” Yun na lang ang nasabi ko.

Sinuklayan ko ang rebonded kong buhok saka lumabas ng kwarto.

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon