CHAPTER SEVEN
KINABUKASAN, habang may rehearsal si Lavender para sa fashion show ng isang sikat na fashion designer ay hinihintay niya kung tatawag o magte-text ba sa kanya si Reynald.
It had been two days since the restaurant incident. Pagkatapos umalis ni Reynald kasama si Alia ay nagpatuloy lang sila ni Emil sa pagkain at pagkatapos ay inihatid lang siya ng dating boyfriend sa bahay. She had been very busy the past few days dahil nag-shoot siya ng isang commercial at pagkatapos ngayon naman ay may rehearsal siya for a fashion show. Ngunit kahit ganoon ay gustung-gusto niyang makausap si Reynald.
Nakatitig lang si Lavender sa kanyang phone. Wishing that Reynald's name would appear for a call or a text message. But again, her whole day went by without any texts or calls from him. Malungkot siyang napabuntong-hininga.
Dapat nga sanay na siya sa ganito dahil sa mga nakalipas na buwan, umaabot pa nga sa isang buwang wala silang komunikasyon ni Reynald. Ibig kasing sabihin ay kasama nito si Alia. Hindi siya puwedeng unang tumawag o mag-text dahil kapag nasaktuhang kasama nito si Alia ay maghihinala ang babae. Magwawala ito.
"Lavender, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Glaiza.
Umiling siya at napayuko. "I want to go home. Pagod na 'ko," matamlay na sabi niya at nanghihinang itinago ang cell phone sa bag. Tapos na rin naman ang rehearsals pero may mga announcement pa kaya kailangan nilang mag-stay ng manager niya.
Tinapik-tapik siya nito sa balikat. "Okay, you can go home now. Ako na lang mag-aabang sa mga announcements. Babalitaan na lang kita." Nginitian siya nito. "And you can have your one week break next week. Naurong ko na ang schedule mo."
She weakly smiled. "Thank you, Glaiza." Niyakap niya ito at nagpaalam nang uuwi.
She's not physically tired. Naglakad lang naman kasi siya sa ramp and it's a normal thing for her. Pero siguro ang naka-drain sa kanya ay ang kakaisip kay Reynald. Buti na nga lang at hindi nangungulit si Emil ngayon dahil baka hindi na talaga niya kayanin.
Habang papunta sa parking lot kung saan naghihintay ang driver niya ay may nakita siyang isang pamilyar na kotse na huminto sa may tapat ng building.
"Reynald..." nasambit niya sabay tingin sa plate number ng kotse. Kay Reynald nga iyon!
Agad siyang nagtago sa isang gilid upang makapagtago sandali. Inabangan niya kung lalabas doon ang nobyo. At lumabas nga ito! Her heart ached at the sight of him. Parang gusto niyang takbuhin at yakapin ito. Pero ano kaya ang ginagawa nito roon?
Mas napasiksik siya sa pinagtataguan nang makitang bumaba rin si Alia mula sa kotse.
"I'll call you tomorrow," malambing na sabi ni Alia kay Reynald. Pumulupot pa ang mga braso nito sa leeg ng nobyo. "I love you."
Reynald smiled and kissed Alia on the forehead. "Mag-iingat kayo ng mga kaibigan mo."
Alia hastily kissed Reynald on the lips before entering the building. Doon ay nakita niyang sinalubong ito ng fashion designer ng show kung saan siya magmo-model. Magkaibigan pala ito at si Alia.
Sinundan niya ng tingin ang dalawang babae. Nang makasakay na sa elevator ang mga ito ay mabilis siyang lumabas ng building.
"Reynald," tawag niya sa nobyo na pasakay na sana uli ng kotse.
Agad itong lumingon at nagulat nang makita siya. "Lav!" Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito. Ngunit agad na nawala iyon. Luminga-linga ito habang lumalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHR
RomanceAng pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this the kind of love still deserving of a happy ending? Written ©️ 2014-2015 (Published 2018 by PHR) Boo...