Simple lang (One shot)

1.7K 71 27
                                    

(A/N: Dedicated kay Manager Berna :)))  EH kasi idol 'ko sya! Ang galing nyang gumawa ng story! Yung FBBF nya yung dahilan kung bakit mas lalo akong naadik sa KPOP! Yung STINOLA naman nya yung dahilan kung bakit naging BOICE ako. Kaya yun! Thank yooooou! Ang galing mo! Aabangan 'ko yung FBBF mo sa NBS. Haha. Saka sana mas madami ka pang magawa na story tulad ng FBBF, STINOLA saka ORL! LOVE YOUUUUU! You're one of my inspiration. *winks)

Janelle’s POV

 

“ Janelle, mukhang masarap yan ah. Hmmm…”

“ Syempre, ako pa! H-hoy! Wag mo ngang kainin yan! Hindi naman para sayo yan eh. “ Ang takaw talaga ng babaeng ‘to.

“ Aray ah! Ang damot mo naman. Para kay Shawn nanaman yan nuh?”

“ Hihi. Anong bago dun? Syempre! Nagpapalakas ata ako!”

“Oo nga eh, dalawang taon na ngang nagpapalakas. Pero hanggang ngayon—“

“ Oo na, oo na! Alam ‘ko na! Kailangan talagang ipagduldulan? Ouch ah.”

“ Ewan ‘ko ba sayo! Umaasa ka lang sa wala! Alam mo kung gusto ka talaga nya—“

“ Wala akong naririnig! Wala, wala. Sige Kris, bye bye!” nag-flying kiss ako sa kanya at nagmadaling umalis.

Alam ‘ko naman na kasi na wala akong pag-asa, lagi pang inuulit! Eh ano ngayon kung dalawang taon na ako nagpapapansin at naging utusan? Hindi naman ako nagrereklamo ah! Hindi naman ako napapagod.

Hindi nga ba, Janelle? Hay, buhay! *sigh*

Dalhin ‘ko na nga kay Shawn my loves yung niluto ‘kong Beef steak. Sabi nga nila, “The way to a man's heart is through his stomach.” Aja!~  *u*

Simple lang (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon