Tight-lipped

2K 65 29
                                    

Dedicated po sa inyo kasi... basta galing na galing ako sa'yo... Tipid ako magcomment at puro vote lang ako madalas... pero hindi ko doon masusukat yung hanga ko sa inyo pagdating sa pagsusulat. God bless. ^_^

***

Yung workbook mo noon.

Yung workbook mo sa GMRC, napunta sa kapatid ko. Tanda mo pa ba? Namahagi kayo ng school niyo ng relief goods sa barangay malapit sa amin. Nando'n din ang school ko noon, kasama kami ng kapatid ko sa pagbibigay din ng relief goods - representative din ako tulad mo. Napagkamalan mo yata siyang isa sa mga nasalanta dahil ang dungis dungis niya. Pa'no kasi nadapa sa putikan at walang pamalit. Sabi niya hayaan ko siya.

Grade 6 tayong parehas noon. Nakita ko kasing nakaburda sa uniporme mo habang binibgay mo yung workbook kay Michelle. Tanga talaga niya, kinuha nga. Tapos napatingin ka yata sa akin dahil napansin mong tinitingnan kita. Nakita ko yung buong mukha mo. Simple lang, di katulad ng mga kasama mong kung anu-ano ang pinahid sa mukha. Naka-ponytail ka. Pawis-pawis. Pero ngumiti ka sa'kin. Yung pantay-pantay at mapuputi mong ngipin. Yung ngiting umaabot sa mga mata mo.

Love at first stare. Pero tumititig lang talaga ako sa'yo, kahit nginitian mo ako. Nahiya ka tuloy at tumakbo. May hawak-hawak kang pamilyar na notebook.

Tanga-tanga talaga ng kapatid ko, mana sa akin. Aba'y inuwi pa yung libro mo? At sa akin pa talaga pinahawak. Hanang nakasakay kami sa school van noong pauwi na, binuklat-buklat ko dahil wala akong magawa.

"Magdikit ng larawan ng iyong pamilya sa kahon sa ibaba. Isulat sa ilalim ng larawan kung paano ang pakikitungo ng bawat miyebro sa bawat isa." Instruction sa isang pahinang kumuha ng atensyon ko. May picture kasi kayo ng pamilya mo. Kaso hindi talaga ito yung kumbensyonal na family picture katulad nung saamin na kaming apat na magkakapatid, tapos si mama at papa sa likod at magkaakbay.

Gupit-gupit. Hiwa-hiwalay. Yung isa, picture ng papa mo na parang napagdaanan na ng panahon - masyadong malabo para maintindihan ko ang mukha. Yung sa mama mo bago palang. Yung sa iyo rin malinaw. Maganda. Maganda ka. Yung ngiti mo.

Hindi ko na binasa pa yung deskripsyon mo dahil putol naman ito. Saka halata naman.

Mahal na mahal namin si papa. Pero di niya kami mahal.

'Yan yung bungad. Naawa ako sa'yo. Gusto kitang hagilapin at isauli yung libro. Gusto kitang yakapin. Sa likod pala ng ganoong klaseng ngiti sa tulad mo eh may malungkot kang pinagdadaanan?

Patuloy pa rin ako sa pagbabasa ng libro mo.

Ano ang ibig sabihin ng salitang kasiyahan?

-Hindi ito yung kawalan ng kalungkutan... Bagkus ito ay isang liwanag sa isang madilim na lugar. Na kahit anong pait at saklap ng buhay, makukuha mong ngumiti dahil sa mga tao at bagay sa paligid mo. Lucas. Ibig sabihin nito ay liwanag. Kasiyahan ang liwanag. Liwanag ang kasiyahan.

Natuwa naman ako sa eksplanasyon mo... at siyempre bawat lipat ko ng pahina parang lalo kitang nakikilala. Nabanggit mo ang pangalan ko, kahit hindi ako ang tinutukoy mo.

Kaso pa'no ba 'yan? Nagtatrabaho na ako, CPA na nga ako eh. Pangalan mo lang yung alam ko, nakalagay kasi sa libro mo. Judith April Palma. Hinanap naman kita sa kung saan-saan, ilang taon na ba. Pati sa social networks. Pati sa facebook group ng school mo ng elementary. Magkalapit lang naman yung city natin noon, pero I never got the chance to see you again.

Alam mo ba kung bakit ako naging CPA? Kasi nakalagay rin sa GMRC book mo noon, pangarap mo rin 'yon. Umaasa akong magiging kaklase kita sa kolehiyo kapag tinake ko yung kursong gusto mo, pero wala eh. Anino, hibla ng buhok... ni hininga mo wala.

Kaya ngayon... sumusuko na ako. Masyado ko nang pinaikot yung mundo ko sa isang taong kahit kailan ni hindi ko nakabungguan. Kahit kailan hindi ko nakausap. Kilala lang kita sa mukha at sa ilang paniniwala mo dahil sa mga sagot mo sa GMRC book... pero hanggang doon na lang 'yon. Tinadhana lang sigurong maging inspirasyon ka lang sa akin.

Hanggang sa isang araw, muntik mo na akong makalbo. Imunungkahi ng isang kaibigan na sa isang sikat na salon ako magpagupit dahil may kasamang spa sa package nila, at magaling silang mag-spa. Stressed na stressed na kasi ako sa trabaho kaya pinatulan ko 'yon.

"Miss, maganda ang endorsement sa akin tungkol dito sa salon niyo. Bakit nakaupo ka lang habang nakikita mo akong customer niyo?" May pagka-antipatiko kong sabi sa'yo. Hindi kasi kita namukhaan. Noong ngumiti ka lang nang sarkastiko... doon ko lang kasi naaalala yung mukha mo. Sa ngiti mo.

"Mister, umupo ka na lang riyan at hintayin mo ako. Ihahanda ko lang yung mga patalim, este matatalim na gunting dito."

Nakaramdam ako ng panlalamig sa batok... Una dahil sa tuwa. Tngina sinong makakapagsabing makikita pa kita? Gusto ko nang tumalon sa upuan na ito at yakapin ka. Ilang tao mo akong ginawang bilanggo sa ngiti mo at sa mga sentimyento mo sa GMRC book... Pakiramdam ko kasi nakilala kita nang husto dahil doon. Maniniwala ka nga bang napaibig mo ako sa mga 'yon? Pangalawa dahil parang balak mo na yata akong patayin sa inis. Para bang uusok na ang ilong mo, isama mo pa ang mga tainga mo.

Hanggang sa bumalik ka at nagdadabog... Nagtataka ako, bakit bihis na bihis ka kung manggugupit ka rito? Ngayon ko lang naman kasi napansin.

"Sht anong gagawin mo?!" Sinabunutan mo yung maiksi ko namang buhok. Yung mukha mo, kabaliktaran ng mala-anghel mong mukha noon. Akmang kakalbuhin mo na talaga ako.

"Antipatiko ka kase eh. customer din ako dito sira ka ba? Mukha ba akong taga-gupit?!"

"Sorry na April. Medyo napagod lang," sabi ko sa'yo. Kitang-kita ko yung mukha mo habang gulat na gulat ka, at unti-unting nawala ang mala-demonyo mong aura. Nagbalik ka sa dati. Yung ikaw noong grade 6. Namumuo na ang mga luha mo sa mga mata mong nanliliit at kinikilatis ako... at nanlaki ang mga ito na para bagang nakakita ka ng isang multo. Pinunasan ko ang luha mong tumuloy na sa pagdaloy sa iyong mukha.

"Lu...Lucas? Pa..paano mo nalaman ang pangalan ko?" Hirap na hirap mong binuo ang pangungusap na iyon. Niyakap kita, hindi rin ako makapagsalita dahil lumuluha na pala ako. Teka.

"Paano mo nalaman na Lucas ang pangalan ko?"

Pumihit ka sandali sa kinauupuan mo kanina at inabot ang bag mo. Binuksan mo ito at nagulat ako nang ilabas mo ang isang notebook na tila napagdaanan na ng mahabang panahon... na parang pamilyar ang hitsura sa akin. 'Yong diary kong matagal nang nawawala. Noong grade six pa.

"Si Michelle..." 'Yon lang ang sinabi mo. Ibinigay mo sa akin ang diary ko, binuksan ko 'yon... May family picture kami na nakaipit. Kinuha mo iyon. Hindi ka nagsalita. Lumabas tayo sa salon at pumunta sa isang coffee shop. Yung paghigop mo sa kape. Yung tingin mo sa mga mata ko. Yung pagngiti mo.

Lalo mo akong pinaiibig. Yung puso ko, parang gusto nang lumabas sa katawan ko.

"Napagkamalan ko noon si Michelle na kasama ng mga nasalanta, kaya binigyan ko siya ng libro. Binigay niya sa akin yung notebook na 'yan, sabi kay kuya niya raw. Kapalit daw ng libro ko. Nagtaka ako pero kinuha ko na lang. Diary mo pala... Ikaw nga pala kako yung nginitian ko noon eh... Para akong ewan."

Umiwas ka ng pagtingin... namumula ang pisngi mo, siguro dahil sa lamig ng panahon. "...tapos..." Bumaling ang tingin mo roon sa family picture namin. Yung mga patak ng luha mo ay nagmamarka na roon sa litrato. Damang dama ko ang lungkot mo sa pagkakasabi mo ng bagay na 'yon, yung pangungulila mo isang minamahal mo... Damang dama ko rin ang pagtulo ng mga luha ko habang binabanggit mo yun dahil kasabay no'n ay ang pagka-imposible rin na maging ikaw ang mahalin at makasama ko sa pagtanda...

"Lucas...kuya Lucas pala dapat, buti naman masaya sa inyo si papa."

Tight-lipped Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon