Chapter 48- Seven Years

3.1K 52 14
                                    

MIA's POV

(Telephone Ring)

"Hello? Orlando Holdings Inc., This is Mrs. Teresita Orlando's Assistant how may I help you?"

Intro ko sa tumawag.

"Mia, It's me"

Isang pamilyar na boses na tila nagpagaan ng sakit ko sa ulo.

"Paano mo ba nalaman na masakit ang ulo ko? Pinakalma mo agad ako ah"

Sagot ko sa kanya.

"Wild guess? Let me guess again kung bakit masakit ang ulo mo, dahil sa Boss mo no?"

Hula niya.

"*sighs* Ang galing mo talagang manghula. Nasa lahi niyo ba yan?"

Biro ko habang tinatangkas ang sandamak-mak na papeles na ipinapa-organize ng boss ko.

"Wild Guesser lang talaga ako. It's 12:15, nakapag-lunch ka na ba?"

Tanong niya.

My eyes widened and looked at my wrist watch. I blinked my one eye trying not to disappoint him. Palagi kasi siyang nagagalit kapag late na akong kumakain ng lunch.

"Hindi pa po"

I whispered.

"Wag kang magalit please?"

I begged.

"Hindi naman ako magagalit. Gusto mo bang mag-lunch tayo?"

He asked.

"Oo naman no. Basta kasama ang boyfriend ko, game ako"

Ngumiti ako.

"Sige, nandito lang ako sa labas. Hintayin kita"

He hung up. I sighed and started to scramble my things.

Living in one-roof with Mr. Yabang ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon