Simula

28 1 0
                                    

Kumusta?

Iniisip kong sa bawat pagkikita natin ay iyan ang bungad mo sa akin.

Kumusta?

Malayo pa lang ako ay iyan na ang tanong mo. Nakahanda na rin ang matamis na ngiti sa iyong labi at kitang kita ko sa mga mata mong totoong interesado kang malaman kung anong nangyari sa buong araw ko.

Kung mas marami ba akong naging ngiti kaysa simangot, kung marami ba akong natutunan sa propesor ko, kung may bago ba akong nakilala, kung naging dahilan ba ako upang mapasaya ang iba at kahit na ano pa na nangyari sa araw ko.

At pagkatapos mo akong kumustahin ay lalapit ako nang nakangiti sayo. Hahawakan ko ang kamay mo at sasabihin ko sa iyong, "Masaya ang ang naging araw ko."

Alam kong hindi parating magiging ganoon. Darating ang araw na nakakunot ang noo at nakasimangot akong lalapit sayo. Sa mga ganoong araw maaaring maririnig mong sasagot ako sayo sa tanong mo nang "Badtrip!".

May mga araw din na makikita mong namumugto ang mga mata ko at hindi ko na magagawa pang sumagot. Yayakap na lang ako sa baywang mo, susubsob sa dibdib mo at hayaan mo akong umiyak sayo upang sa ganoong paraan ay maalis ko ang lahat ng sakit at galit. Maramdaman ko na lang ang marahang haplos ng kamay mo sa ulo ko habang sinusubukan mo akong pakalmahin.

Ngunit kahit na anong klaseng araw pa ang magdaan, ang mga paa natin ay lagi tayong dadalhin sa ating paboritong lugar, sa isang pampublikong parke.

At sa pahabang upuang naroroon, doon tayo mauupo at magkekwentuhan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wonderful CounselorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon