Prologue

630 8 3
                                    

~*~

"THE FALL" Characters at the side --> [VIDEO]


Third Person POV

Flashback...

"What the hell? Ano ba'ng problema niyo ha? Inaano ba namin kayo?!" Sabi ni  Jess. Short for Jessica.

"Umalis kayo sa school na 'to, nang matapos na ang gulong 'to." Sabi ni Bryan.

"No way! At ba't naman namin kayo susundin, aber?!" Sabat ni Riley.

"Kami lang naman ang pinaka-kinatatakutan na grupo sa school na ito. Simula nang dumating kayo dito, nagulo ang buhay namin!" Sabi ni Zander.

"Ah, so natapakan namin ang ego niyo huh? Well, you deserve it. Masyado kayong mahangin at ma-pride!" Sabi naman ni Riley.

Mas lalong nagalit si Bryan sa kanila, at nang dahil sa galit niya ay nagawa niyang itulak si Riley. At nang dahil sa ginawa niya ay inugod siya nila Jess.

"Anong karapatan mo para saktan ang kaibigan namin? Ha?! Sino ba kayo? Hindi kayo d'yos para sundin namin!" Galit na sigaw ni Eva.

"P're, babae parin yan!" Suway ni Zander kay Bryan.

Nagulat na lamang sila ng dumating si Jacob at Benjamin. kasama rin nila si Caroline, isa sa mga kaibigan nila Eva.

"What the fuck is happening here?!" Galit na sigaw ni Jacob.

Nilapitan naman ni Caroline si  Riley, "oh my gosh! Ba't may sugat ka?," Sabi niya kay Riley.

"Sila kasi eh! Pinaaalis nila tayo sa school na 'to!" Sigaw ni Jess.

"What the..... ANO BANG PROBLEMA NIYO, HA?" Galit na sigaw ni Caroline.

"You know what? Sundin niyo nalang sila, umalis kayo sa school na 'to para matapos na 'to lahat. Tss." Sabi ni Benj. Sa lahat ng tao sa school nila, siya lang naman ang pinaka-kinatatakutan. He doesn't have a heart, well, not literally.

Galit na tinignan ni Caroline si Benj,"YOU JERK! WE WILL NEVER LEAVE THIS SCHOOL! NEVER!"

"Tss. What a waste of time. Let's go, guys." Sabi ni Benjamin bago mag-walk-out.

"UGH! MATAPILOK KA SANA!" Parinig ni Caroline kay Benj.

Tinulungan nila Caroline na makalakad si Riley. Sa lakas nang pagkakatulak ni Bryan kay Riley ay nagkaroon siya ng malaking sugat sa binti.

"Makakaganti rin ako sakanila!" Sabi ni Caroline sa kanyang isipan.

~*~

REVISED.

Book cover made by: aegyous

The Fall [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon