Let Go

19 0 0
                                    

December 27, 2012

*bzzzt* *bzzzt*

tumunog yung cellphone ko. Inopen ko yung message at napangiti ako kasi siya pala yung nagtext..

From: Baby <3

Baby, san ka na? Hintayin kita dito.. Iloveyou..

Nung nabasa ko yugn message niya, nagmadali na akong nagbihis.

Dun ako sa bahay nila Abigail didiretso. Isa sa classmate namin. Outing kasi ng batch namin ngayon.. At sobrang excited ako dahil after 5 months, eh ngayon ko na lang ulit makakabonding ang baby ko :)

Long distance relationship kasi kami eh. Sa City ako nag-aaral at siya naman sa province. Pero kahit naman LDR kami, pinapanatili padin naming matibay yung relationship namin. Although, nag-aaway kami paminsan minsan eh nagbabati din naman kami.

Ilang beses na nga din kaming nagbreak nun pero siyempre dahil love namin ang isa't isa eh nagkakabalikan pa din kami.

Pagbaba ko ng tricycle, isang mahigpit na yakap at kiss sa pisngi agad ang binigay niya sa akin. Haaay. Namiss ko talaga tong taong to. Masaya ako kasi kasama ko siya ngayon..

Nakaupo lang kami dito sa labas ng bahay nina Abigail habang hinihintay yung iba pa namin kasama. Magkatabi kami dito sa parang bench.. At dahil sa bored na din naman ako eh kinuha ko yugn cellphone niya. Pero inagaw niya bigla. Tapos ako naman itong si pa cute, tampo epek pa para lang mahiram cp niya.

Binigay din naman niya. And then, nagbasabasa ako ng mga messages niya. Haha. Sneeky me. Puro mga quotes at text ko lang naman pala laman ng inbox niya eh. Tapos dun naman ako sa sent items nagbasa.

May isang message akong inopen. And the moment I read it, my heart broke. Nanghina ako sa nabasa ko na para bang gusto ko na lang umiyak. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Nahalata niya yata kaya kinuha na niya yung phone niya. Nakita, binura niya lahat ng laman ng send items niya..

Napatahimik na lang ako. Hindi ko kasi alam kung ano ba magiging reaction ko kasi nagulat lang din naman ako. Hindi ko naman inakalang may ganon. Na may mababasa akong ganon.

Tahimik lang ako hanggang sa sumakay kami ng jeep papunta sa resort na pupuntahan namin.  Magkatabi padin kami at hindi ako umiimik. Hinawakan niya yung left hand ko pero hindi padin ako kumibo..

"Babe pala ha..." sabi ko sakanya pero hindi ako nakaharap sakanya. Nakayuko lang ako habang hawak padin niya yung isang kamay ko..Ipinatong niya yung ulo niya sa may balikat ko..

"Joke lang naman yun eh.." Yan lang sinabi niya tapos naging tahimik na kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa resort..

Magkatabi kaming nakaupo sa cottage. Hindi ko padin siya pinapansin. Somehow, nahurt din naman ako sa nabasa kong yon. Sino ba namang hindi masasaktan sa ganun diba? Na, kahit sibrang nasasaktan ka na eh ipinaglalaban at minamahal mo padin siya tapos biglang may ganong factor kang mababasa.

Tumayo ako para kumuha sana ng tubig. Pero tumayo din siya at bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Habang magkayakap kami, pinikit ko ang mga mata ko. Sinabi ko na lang sa sarili ko na kaya ko pa. Maaayos pa namin to at ieenjoy ko na lang tong araw na to kasama siya..

After that hug scene, masasabi ko din namang naging happy kaming dalawa. Na parang walang problema. Pero syempre hindi padin maalis sa isipin ko yung nangyaring yun.. Pero pinipilit ko pading maging masaya para maenjoy tong araw na to. Ayoko din naman kasing magbreakdown kasi ayaw kong makita ako ng mga kaklase ko nung highschool na mahina ako.

At dahil sa tamad na lang din kaming magswimming, nakatambay na lang kami sa cottage at nagsoundtrip at foodtrip na lang. Siyempre magkatabi pa din kami.. Hindi ko padin makalimutan yung nabasa ko sa cp niya. Bored na din ako so inasar-asar ko na lang siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon