Jeron’s POV
Nakita ko na aman siya.Kada umaga nakikita ko ang kotse niya at ang pagdungaw niya sa bintana.Hanggang tanaw ka nalang ba ng mga mata ko Mika? Si Mika Reyes pala yung dumaan nung papasok ako sa gamit ang scooter ko sa campus.Dumaan na naman kasi yung kotse niya sa harapan ko.Since high school pa lang kami gusto ko na si Mika.We were high school batchmates,and now first year college na ako siya pa rin ang tanging gusto ko.Sino ba naman ang di nagkagusto sa kanya.Siya lang naman ang tinaguriang Ms. Famous dito sa DLSU,reyna ng mga beauty contest at siyempre ang reyna sa puso ko.Ahemm.Naman! :) Sobrang mahal na mahal ko siya,kung alam niya lang sana.Pero paano ba naman niya ako magugustuhan? Langit siya,lupa ako.Hindi literal ha.Yung siya si Ms. Universe na natatangi ang ganda at ako itong..
“Hoy,Nerd Boy,haharang-harang ka diyan ha”
Napatingala ako sa nagsalita
“Oh ano tinutunganga mo diyan,Alis”
Ang lakas talaga ng loob ng lalakeng to,porket alam niyang siya ang inaanak ng dean namin at sikat din siya dito sa school,sisiga siga kasi.
“Aalis ka ba oh gagasgasan ko yang scooter mong bulok”
“Ah matigas ka ha”
Papalapit na siya sa akin,napatakip nalang ako ng mukha.
“Cliff,stop it,tara na”
“Pero Babe naman,kailangan lang..”
“Babe,tara na,ah pasensya na ha sa abala”
Hindi ako maaaring magkamali boses palang kilalang-kilala ko na.Pinagtanggol niya ako.Waaahhh..Napangiti ako kasigganda niya talaga ang boses niya.Kinuha ko na ang kamay na nakatakip sa mata ko at tinawag ko siya na papaalis na kasama yung Cliff na yun.
“Mi-Mika”
Sinigaw ko ang pangalan niya.Napaharap siya sa akin and she flashed her to die for killer smile.I waved my hand pero inakbayan lang siya ni Cliff patalikod di tuloy niya nakita na nagwave ako sa kanya.
Mika Reyes smiled at me.Ayun oh lumelevel up.Hindi nalang din kita tanaw lang ngayon..Hindi na kahit papaano,kahit sa isang ngiti mo lang binuo mo na ang araw ko.
“Mika Reyes mahal na mahal kita”
“Tol,mabibingi mga halaman niyan”
“Oy Tol ikaw pala yan?”
“Hindi,hindi”
BINABASA MO ANG
My Eyes Adored You ♥.♥ Jeron- Mika ~ Thomas - Ara Fanfic
FanficMy Eyes were a witness for my love for you.On how I truly adored you.Your heart was very unreachable.The Eyes are the windows to the soul but seeing even a glimpse of you it has become the windows to my heart.For my eyes can see, you mean the world...