Keegan's POV
Halos mag-iisang buwan nang nasa hospital si Diem, hindi na siya madischarge ng doctor niya kasi di na daw tinatanggap ng katawan niya yung mga gamot na iniinom at tinuturok sa kanya, kaya halos maya-maya yung pag-atake ng sakit ng ulo niya.
Sobra akong nasasaktan para sa kanya pero di ko yun pinapakita kasi alam kong ayun yung pinaka-ayaw niyang mangyari.
Kada pagkagaling namin sa school dito kami agad dumidiretso, at ako? Halos dito na ako natutulog kahit pinapauwi na ako ng mommy niya, pero nagmamatigas pa rin ako, mas gusto ko pang nakikita si Diem kesa mamatay ako sa sobrang pag-iisip sa kanya kapag nasa dorm ako.
Babe kumain ka na oh, para makainom ka na ng gamot sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko yung bowl ng porridge na inadvice ng doctor niya na pwedeng ipakain lang sa kanya, hindi rin kasi siya pwede ng mga solid food kaya hindi na siya hinahayaang pakainin ng mga wheat bread or cereals.
Ayoko she said habang dahan dahang umiiling.
Anong ayoko? Hindi pwede, bahala ka papangit ka lalo. Pangaasar ko sa kanya, pero ngumiti lang siya sakin ng pilit.
Okay lang kaya ko yung tanggapin mahinang sagot niya, tsaka bahagyang pumikit.
Drama mo Babe ah, haha kumain ka na nga pilit na tawang sabi ko sa kanya.
Umuwi ka na Babe, pumapayat ka na, mas lalo kang nagiging tingting oh sabi niya pa tsaka minulat yung mata niya at tumingin sakin tsaka pilit na ngumiti pero.
Ngumiti na lang din ako sa kanya at tsaka hinalikan yung noo niya.
Ganito yung sitwason namin sa loob ng mag-iisang buwan na araw, pahirapan kami bago siya kumain, at ayaw niya nang inumin yung gamot niya, laging niyang sinasabi na wala namang magagawa yung mga gamot sa kanya, pero lagi naming sinasabi sa kanya na may pag-asa pa.
Masakit mang sabihin but it seems like sumusuko na siya, halos maubos yung luha nila Seana kapag inaatake si Diem, pero ako? Never akong umiyak sa harap nila, gusto kong ipakita sa kanilang lahat na magpapakatatag ako para kay Diem.
Tumingin ako kay Babe at nakita kong nakatulog na siya.
Nakakatakot nang hawakan si Diem dahil sa sobrang payat niya, para kasing mababali na yung braso niya pag hinawakan mo siya.
And unti-unti na ring nalalagas yung mga buhok niya, natatandaan ko pang sobra yung iyak niya nung unang maglagas yung buhok niya, to the point na nagwawala na siya kaya kinailangan siyang turukan nang pampatulog ng doctor niya.
But I don't care about what happened to her appearance, kahit pa maubos lahat ng buhok niya at pumayat siya ng sobra, siya pa rin yung pinakamagandang babaeng nakita ko at di ako magsasawang pagmasdan siya kahit ganyan siya.
Hinawakan ko naman yung pisngi niya at tinititigan siya.
I love you Babe, please lumaban ko, handa rin akong lumaban kasama mo, I still not ready to let you, so please hold on naiiyak kong sabi sa kanya hanggang sa nagdilim na lang yung paligid ko.
BINABASA MO ANG
I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )
DiversosHighest rank: #469 in Random Category ---------------------------------------------------------------------------------- At first, I only thought that the only problem about our relationship is your bestfriend. I always jealous of her, I always beca...