“Tita Mina, nandyan po ba si Pat?”
Tanong ko kay Tita Mina pagkarating ko sa bahay nila.
Gusto kong malaman. Gusto kong marinig mula sakanya yung nalaman ko mula kay Giann.
Sure akong hindi nagsisinungaling si Giann sakin. Alam ko naman na ayaw niyang masira ang friendship namin ni Pat wherein nasira na. Sirang-sira na.
“Ayy oo. Nasa kwarto niya. Puntahan mo nalang. Bakit ka pala hindi na masyadong dumadalaw dito Francel? Dumalaw ka din naman ng mas madalas.”
Sabi ni Tita Mina sakin.
Ngiti nalang ang sinagot ko.
Hindi niya pala alam ang tungkol samin ni Pat.
Ayoko din namang sabihin na hindi na kami tulad ng dati ni Pat na parang magkapatid. Na ‘magka-away’ kami dahil sa isang lalake.
Kumatok ako sa kwarto niya.
“Pasok!”
Narinig kong tugon niya.
Pumasok naman ako.
Naabutan ko siyang naglalaptop.
Nung lingunin niya ako,
“FRANCEL?”
Gulat na gulat siya.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto niya. At wala na pala yung picture namin sa desk sa tabi ng kama niya.
So ibig sabihin lang nun, hindi na talaga kami magbestfriends. Kinalimutan na niya ako bilang bestfriend niya.
“Anong ginagawa mo dito?”
Tanong niya sakin pero binalik niya ang tingin niya sa laptop.
“Pat, totoo ba? Totoo bang tinago mo yung bracelet na bigay sakin ni Giann para magalit siya sakin?”
Hindi ko napigilan. Napaiyak na ako.
Sinara niya yung laptop niya tsaka siya tumingin sakin.
“A-anong pinagsasabi mo d-dyan. A-anong akala mo sakin? D-desperada?”
Hindi siya makatingin sakin.
“Pat, kilala kita pag nagsasabi ka ng totoo at sa nakikita ko, nagsisinungaling ka lang. Pat, sabihin mo sakin yung totoo.”
Lumapit na ako sakanya.
“Francel, w-wala akong alam sa mga p-pinagsasabi mo. Oo. Mahal ko si Giann pero hindi ko naman gagawin yun.”
Still, hindi siya makatingin sakin.
“At eto pa. Siniraan mo pa pala ako kay Giann. Sinabi mo pang sinangla ko yung bracelet kasi may sakit si Lola.”
Iyak padin ako ng iyak.
“G-grabe naman yata kung g-gagawin ko y-yun sayo. Bestfriend nga kita diba?”
Bestfriend? Tss.
“Eh bakit hindi ka makatingin sakin? Pat, tignan mo ako sa mga mata. Ginawa mo ba talaga ang mga yun?”
Tumingin na din siya sakin sa wakas.
At naiiyak na din siya.
“Francel, bestfriend kita pero mahal ko si Giann at alam mo yun!“
“Pat, bestfriend? Yun nga eh. bestfriend kita. Hindi ko lubos inakala na magagawa mo sakin ang mga yun. Sobra na yun Pat. Sobrang sobra.”
This time, naiyak na talaga si Pat.
“Francel, sorry. Alam mo naman diba? Gusto ko si Giann. Mahal ko siya.”
“Oo Pat. Alam ko. Pero sapat na ba talagang rason yun para magawa mo yun sakin?”
“Hindi ka pa kasi nagmamahal Francel. Hindi mo alam. Kapag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat para makuha lang siya. Ganun ko kamahal si Giann, Francel.”
Hindi na muna ako sumagot.
Naghihintay sa kung ano man ang idadagdag niya.
“Francel, best, sorry. Sorry sa mga nagawa ko. Alam kong mali. Sana maintindihan mo ang ang rason kung bakit ko yun nagawa. Sana magawa mo akong patawarin.”
Yumakap siya sakin.
“Hindi ko alam Pat. Hindi ko alam. Ewan ko. Pero sa ngayon, hindi ko muna kayang tanggapin ang sorry mo.”
Tinulak ko siya ng konti. Yung para lang kumawala sa yakap.
Umalis na ako and left her crying.