7

81 4 0
                                    

"King!"

"Oh bakit?"

"Dito ka muna sa tabi ko. Amboring e. Wala akong ibang malandi"

"Hy nako Jade ewan ko sayo. Sa kalalandi mo saken baka mamaya niyan mainlab ako sayo. O kaya IKAW ang mainlab sa akin."_

"Asa ka panaman no. Hahaha."

"Hahaha sige dun muna ako. Di ko pa nakakausap mga kaibigan ko mula nung bumalik ako dahil sayo."

"Oh ako nanaman?!"

"Talaga naman. Ayaw mo akong pakawalan e. Hahaha"

"Ah ganon. Osige bumalik ka na sa mga kaibigan mong mukhang basurero't basurera!"

"Oy ito naman nagseselos?"

"Mukha mo King. Bakit naman ako magseselos sa mga ganyang tao. Hampasin kita ng bag kong Chanel diyan e!"

"Hahaha. Okay sige sige. Mamaya nalang." Nagkiss siya sa cheeks ko tapos umalis na ang gwapo kong bestfriend. Psh

1 week na mula nung bumalik kami ni Jada. At mula noon wala pa namang nangyayari na kaabang abang.

Nabobored ako. Yung kasing taga aliw ko haay nanduon sa lesheng kaibigan niya! Iwan daw ba ako? Punyeta!

"Hoy ikaw!"

"P-po?"

"Bakit hoy ba pangalan mo? Tingin tingin ka diyan. Assumera!" Sinaksak ko nalang yung earphones ko at nag soundtrip. Total wala namang magawa. Baka makapatay lang ako ng tao.

~

Jada POV

Jada here, not there XD

I'm sure you all know me already so no need ang introductions.

Nasa shooting ako ng commercial ko ngayon. Haaay amboring.

Wala akong magawa. Inaayos pa yung set e.

"Ms. Siena you have a delivery po"

"Ha? Papuntahin mo dito dahil masyado siyang swerte kung ako ang lalapit sa kanya." utos ko.

"Ma'am pareceive nalang po." sabi ng delivery boy.

"Tss. If I know gusto mo lang ng autograph ko. Oh yan" Umalis na yung nag deliver.

Malaki yung box. sa sobrang laki tatlong lalaki pa ang nagtulong para ipasok to.

"Ang laki masyado. Buti sana kung puno to ng signature clothes no." O? sa mareklamo ako e angal? XD

"Ano ba kasi to." Sinipa sipa ko yung box. atsaka ako lumapit at bubuksan ko na sana ng biglang...

"SURPRISE!!"

"WAAAAHHH!" napaatras naman ako sa sobrang gulat. Leche to ah!

"Hhaha. Are you surprised?"

"Ah hindi! Sobrang kalmado ko nga e punyeta ka! "

"Uy harsh. "

"Ano gusto mo ulitin ko pa? Leche ka,punyeta, gago at istorbo! Yan dinagdagan ko pa para dama mo!"

"Ayaw mo ba sa surprise ko?"

"Hindi!" Matapang kong sagot sa bwisit na kausap ko!

"Bakit naman? Nageffort pa naman ako"

"Kung magreregalo ka siguraduhin mong maganda para magustuhan ko! hindi yung sarili mo ang rineregalo mo e ang pangit mo kaya hindu kita gusto! Oh yan sinabi ko na para tantanan mo na ako! Ayoko sayo!"

"Ang sakit mo naman mag salita"

"Talaga!Dagdagan ko pa?"

"Gutom lang siguro yan. Kaya babe wag ka nang magalit." Pagmamakaawa naman niya.

"Anong akala mo sakin patay gutom? walang makain? Baka gusto mong ipalamon ko sayo ng buhay lahat ng alaga naming hayop sa farm!!"

"Babe naman" sabat niya

"Hindi pa ako tapos!!!!!" Oh ha? Mana kay Jade.

"Wag mo akong binebabe diyan leche ka! pupugutan kita pag inulit mo yan. And mark my words! Isa pa baka ikaw ang gutom kaya pangit ka? Kumain ka ! Don't be gutom, don't be pangit! E yun ay kung dahil yan sa gutom. Baka naman inborn yang kapangitan mo ha?" wow ang haba. Masyado akong nadala sa emotion -_-

"Sige na wag ka nang magalit. Please. " Lumapit siya sa akin. At hinawakan yung pisngi ko.

*PAK* sinampal ko at tinulak siya.

"Bastos! Guard"

"Ma'am? "

"Palabasin niyo yan!".

At lumabas na ng tuluyan di Matthew.

Ang dakilang stalker ko! Grrr!

Actually hindi ko diya stalker, more like ex-manliligaw.

Siya yung lagi kong ka text nuon. Gusto ko siya nung una pero malaman laman ko nalang e may nilalandi siyang ibang babae!

At buti naman sana kung mas maganda sa akin yung babae, per NOOO!

Sa sobrang payat pwede na siyang ipantuhog sa bbq. Ampangit pangit niya mukha siyang binugbog ng sampung elepante. MAPUTI LANG SIYA!

At ngayon manigas si Matthew diyan. Leche siya. Pinalampas niya ang chance niya so bahala siya diyan.

~Jade's POV

Nagbell na. Pero di pa naman oras para sa next class ah? Ano nanamang pumasok sa ulo sa taga ring ng bell?

"Jade, Jade baka suspended ang class." Sabi ni King sa akin. Magkatabi kami sa class.

"Tingin mo?"

"Malay mo."

"Sabagay nang makalayas na ako sa lecheng lugar na ito."

"Hay nako ewan ko ba kung paanong naging honor student ka e hindi ka naman nakikinig sa klase?"

Lumapit ako sa kanya"Utak King,Utak" then I smirked.

"Ms.Kim,Mr Lee may announcrment listen."

"Oh di listen. Tagal tagal kasing magsalita punyeta." Oo magalang talaga ako.

"No saying of badwords!"

"Lista mo. Baka may improper sit ka pa at noisy diyan ah?" Nagsitawanan ang mga kakalase kong pangit exept sa pogi kong bestfriend. At yung teacher umiling nalang.

Announcement:

Afternoon classes will be suspended due---

"YEEEEESSSSSS!" Ako yan ;) with mathing tayo at hampas pa sa chair ko.

"Ms. Kim hindi na namin narinig the rest of the announcement"

"Problema ko pa? Basta ako uuwi na." Kinuha ko na yung gamit ko at lumayas na. Sumunod naman yung mga kaklase ko.

~Bahay

"Ma'am" Psh yung katulong na badtrip ang mukha.

"Oh? Nambibwisit nanaman yang mukha mo" Nagulat naman siya pero nakarecover dib agad. Sanay na.

"May bisita po kayo. Pogi"

"Malandi ka! Si King ba?" Siya lang naman ang kilala kong pogi na bumubisita sa akin e.

"Hindi po. Pero hawig po niya." Ha? May kapatid ba si King? Wala naman.

"Malabo kang kausap. Tumabi ka sa dadaanan ko."

When the PlayGirl PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon