Sophia’s POV
Isang buong lingo na nagpatuloy ang paulit-ulit na routine. Gigising, Papasok, uwian. Hindi ko alam na sa isang linggo na iyon marami nap ala ang nangyari at marami na ring nagbago. Marami ang bulong-bulungan sa nabubuong magsyota sa aming campus.
Pagkapasok ko sa school ay biglang nagtext si bessy.
From: Bessy
Punta ka sa swing may sasabihin ako sayo.
Bigla akong kinabahan pagkabasa ng text niya. Ano kayang meron? Hindi naman ugali ni bessy na naglilihim sakin dahil para na kaming magkapatid.
To: Bessy
Sige. After recess.
Sent.
After Recess. Pumunta ako sa swing. Nandun nga siya naghihintay sakin. Ganun ba kaimportante ang sasabihin niya at hindi pa siya pumasok ng first and second period?
“Bes,” –ako
“upo ka muna bes, hintayin natin SIYA” –bessy
Bigla akong napuzzled sa huling sinabi niya. Sana lang hindi tama ang kutob ko kay bessy. Nang biglang dumating si jay. Oh no! Sabi na nga ba. Wait! Wag muna kasi akong magjump sa conclusions. Baka may valid reason sila. Relax Sophia. Nothing’s going on between them.
“bessy? Ok ka lang ba? Hin-“ –bessy
“ah ano yun? Sorry may naalala lang ako bigla. Ano nga pala yung sasabihin mo?”- ako
“bessy, (nagkatinginin ang si jay at nagulat ako ng biglang hinawakan ni bessy ang kamay ni jay) ka-“ –bessy
“kayo na?” –ako
Tumango lang si bessy at tinignan ko si jay walang expression sa mukha. Ang dami kong gustong itanong pero isa lang ang natanong ko sa kanila.
“kelan pa?” –ako
“kahapon lang”-jay
“si bessy ang kausap ko hindi ikaw. Pwede bang iwan mo muna kaming mag-isa ni bessy?”-ako
“bessy galit ka ba?”- bessy
“sa totoo lang oo. Pano nangyari yun? Parang nung isang linggo hindi kayo magkakilala. Hindi ba pwedeng kilalanin mo muna siya? Iiyak ka nanaman pag wala na kayo.” –ako
“nung hiningi ko yung number niya dun nagsimula hanggang sa tinanong niya kung pwede ba niya akong maging girlfriend.”-bessy
“at pumayag ka kagad?! Anak ng tipaklong naman bessy! Sana hinayaan mo muna siyang manligaw! Girlfriend kaagad? Sabi na nga ba wala akong tiwala sa mokong nay un eh. Tawagin mo siya dito at kakausapin ko.” –ako
“bessy naman. Wag na. Pinagtitinginan na tayo ng ibang estudyante dito. Ibigay ko na lang number niya. Kausapin mo siya mamayang gabi.” –bessy
“akin na. Time na babalik pa tayo sa classroom.” –ako
“09xxxxxxxxx. Ok na ba?”- bessy
“oo. Tara na pasok na tayo.”-ako.
Kinagabihan niya ay tinawagan ko kaagad si jay.
“hello?”-jay
“seryoso ka ba talaga kay bessy?” –ako
BINABASA MO ANG
Illegally Inlove
Romancea crush on your bestfriend's boyfriend?A big NO but what if your crush has the exact feelings for you? Will you let your bestfriend get her heart broken for the sake of yours getting fixed? But what if even your own Parents forbid your relationship...