Para sa mga hindi pa na-iinlove o mga pa inosente parang ang gandang pakingaan.
Pero sa totoo lang hinding hindi mo gugustuhin ma-belong sa FRIENDZONE.
Hanggang FRIENZONE na lang ba ??
Ako nga pala si Athlea Dominguez 15 y/o at fourth year high school na ako...
Wala naman talaga akong balik lumipat ng school eh.. kaya pa naman i-digest ng utak ko at ng mata ko ung mga nangyayari dun eh ang dami kasing major epic fail at mga churva ek ek na wala naman sense. 'Yun nga lang di na kaya i-digest ng puso ko ung sakit.
Maganda naman ako well 'yun ang pinapaniwalaan ko. Can't blame me, yan ang tinatak ng mga magulang ko sa utak ko eh. Siguro nga lang ay hindi in season 'yung ganda ko pero maganda pa rin ako angat kumpara sa iba. May mga manliligaw din naman ako kaso deadma lang. May laman na kasi ang puso ko 'yun nga lang may pagkashungga ..sa isang di ka-abot abot pa tumibok.
Si Renz Velasco, campus heartthrob grabe di kaya ng powers ko.. di ko mareach 'tong gwapong creature na to. Kaya naman pasulyap sulyap na lang ako sa kanya isang ngiti pa lang kasi nakakatunaw na.
Kung swineswerte nga naman ay naging kaklase ko sya nung third year kami. Oh diba dininig na ang prayers ko. Eh kaso suplado pala talaga eh naalala ko tuloy nung minsan …
*** flashback ***
Nung nalaman ko nga na magkaklase kami ay araw-araw na akong pumapasok ng maaga. Kaso araw-araw din ay nasisira ang maganda kong gising. Eh kung magkumpulan ba naman kasi ang mga babaeng kulang na lang mangisay sa kilig 'to sa pinto ng classroom namin akala mo eh may mga ganda para mag pakyut kay Renz my labs. Buti na nga lang at medyo suplado si my labs eh
Nung inayos na ang seat plan namin eh magkatabi pala kami *-*
kaya naman ang aking mga landi hormones ay nagwawala. Kaya naman …
“Hi Renz“ syempre may kasamang pagpapakyut pa ako.
Aba eto namang isa eh pinanindigan ang pagiging dakilang suplado kaya naman inirapan lang ako .. -__-
“Pahiya konti, friend” narinig kong sabi ng best friend kong si Lyka. Tinignan ko na lang siya ng masama at tumigil na rin ang impakta.
*** end of flashback ***
Pero minsan ok na rin nasuplado siya kasi walang babae ang naglalakas loob lapitan siya puro pakyut lang sa malayuan.
“baka matunaw friend” sabi ng dakila kong bestfriend habang naglulunch kami sa canteen.
“ Che!! Magtigil ka nga. Pagbigyan mo na ako hanggang dito na lang talaga eh mukhang member na ako ng FRIENZONE eh“ sagot ko na may halong pagtataray
