1

213 2 1
                                    

When you have clear eyes, you will have a full heart and at that moment you can't lose.

•-x-•

Masasayang Sandali
Jonuxx

Pamilyar na pigura aking nakita,
Kalooban ko'y pigil nanamang nagwawala.
Iyong ngiti akin nanamang natatanaw,
Sa iyong ngiti ako ay natutunaw.

Tinawag mo lang aking pangalan,
Ako na ay tuluyang kinabahan.
Iyong mga salita'y bumabalot sa aking puso,
Mga salitang ngiti ko'y namumuo.

Pakiramdam ay umaapaw na sa saya,
Oras ay ayaw nang matapos pa.
Gumagaan pakiramdam sa tuwing kasama ka,
Nalilimutan ang oras sa tuwing kausap ka.

Mga matatamis na salitang iyong binibigay sa akin,
Humahaplos at yumayanig sa aking damdamin.
Iyong maekpresyong mga matang nakatuon sa akin,
Hindi ko na maialis sa aking tingin.

Iyong malalim at malambing na boses na kumikiliti sa aking pandinig,
Hindi pinagsasawaang pakinggan iyong magandang tinig.
Iyong mga salitang binibitawan  ay sa isipan ko kumakapit,
Sa puso ko'y hinahanap ka maski mata'y nakapikit.

Ngunit alam ko na parte ka lamang ng aking buhay,
Maaaring sa pagmulat ko, sa iyo ako na'y nawalay.
Ngunit sa ngayon ay sana manatili ka lang sa aking tabi,
Hayaan mong memoryahin ko muna ating bawat sandali.

Kung sa pagmulat ko'y wala ka na sa aking tabi,
Sa puso't isipan ko ikaw ay mananatili.
Kung sa pagmulat ko'y wala ka na sa aking tabi,
Kahit sa pagpikit ko na lang sana ika'y aking mayakap kahit sandali.

•-x-•

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon