3

125 1 2
                                    

Love puts up with all things, trusts in all things, hopes for all things, endures all things.
1 Corinthians‬ ‭13‬:‭7

•-x-•

Unti-unting Nawawala
Jonuxx

Gabi nanaman
Napakadilim ng kapaligiran
Napakadilim wala nang makita
Maliban sa nagniningning na mga tala
Ngunit imbes na matuwa
Bakit nagluluksa
Imbes na matuwa dahil may nakikitang liwanag,
Pakiramdam ko'y isa akong bulag.
Wala nang iba pang makita.

Apoy nati'y unti unti nang nauupos.
Apoy nati'y namamatay nang halos.
Nakakapaso na pero pinapaliyab pa rin,
Nakakaubos hininga pero hinihipan pa rin.
Akala ko'y lalaki pero ako'y nagkamali.
Nagbaka sakali, nagbaka sakali.
Apoy pala ay kalaban ng hangin.

Dati'y mahigpit na magkahawak ating kamay.
Ngayo'y unti unti nang nawawalay.
Gustuhin mang ipagsalikop muli ang mga kamay namin,
Ngunit iilan sila at dadalawa lang ang akin.
Unti unti nang kumakalas halos di na maabot,
Kailangan ko na din bang bumitaw at lumimot?
Ayaw ko pa.

Dati'y para tayong mga taling pinagbuhol buhol,
Ngayo'y para tayong sinulid na madaling maputol.
Bawat higpit ko'y lalong nasisira,
Bawat hila ko'y lalong kumakawala.
Pilit na ikinokonekta muli,
Pero di na maabot, di na mahuli.

Bawat luhang tumutulo,
Mga minuto'y naglalaho.
Bawat hiningang ibinibuga,
Mga pagkakatao'y nawawala.
Bawat pagkurap ng mga mata,
Mga alaala'y nawawala.

Mahapdi sa lalamunan, parang may nagbabara.
Masakit sa puso, parang pinipiga.
Mainit sa mga mata, unti unting nababasa.
Bumibilis pintig ng puso, nakakaubos hininga.
Mabigat sa kalooban, abot hanggang kaluluwa.
Nakakapagod kumapit, nakakapanghina.

Ngayo'y meron akong napagtanto,
Wala talagang permanente sa mundo.
Lahat maglalaho, aalis, mawawala
May darating pero dadaan lang sila.
Dadaan para tulungan at turuan ka,
Tutulungan kang maging malakas habang tinuturuan kang maging mahina.
Kamakailan ako'y may natutunan,
Masakit bumitaw pero mas masakit palang humawak at kumapit sa mga taong hindi ka pinapahalagahan.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon