4

86 1 2
                                    

There's a season for everything and a time for every matter under the heavens:
(‭Ecclesiastes‬ ‭3‬:‭1‬ CEB)

•-x-•

Sayo
Jonuxx

Umaraw, bumagyo,
Taglamig, tagtuyo.
Umaga, gabi,
Buong araw nagbabakasakali.

Pumipikit na mga mata,
Pero titig pa rin sa kanya.
Bumabagsak na katawan,
Pero nais ko ako'y iyong madatnan.

Pumuputi na ang buhok,
Nilalamok na sa sulok.
Ngunit nakamulat pa rin,
Hinihintay iyong pagdating.

Bawat aninong dumaraan,
Napapalingon ng agaran.
Bawat paggalaw ng paligid,
Masikap na nililingon bawat gilid.

Gaano pa ba katagal?
Oras ba'y sadyang mabagal?
Bakit wala ka pa?
Ako ba ay naghihintay sa wala?

Ulit-ulit na lang, nakakasawa na,
Lagi-lagi na lang, ang sakit-sakit na.
Presensya ko'y laging binabalewala,
Damdamin ko'y hindi inaalintana.

Kailan kaya ako magiging number one mo,
Makakahingi kaya ako ng oras mo?
Importante kaya ako sayo?
O sadyang pinagtitripan mo lang ako?

Siguro nga ay nasobrahan ako sa pag iisip,
Sa mga kilos mo'y nagkamali akong silip.
Ako ay nabubulag na,
O sadyang ako lang ang umasa.

Sana sabihin mo kung darating ka pa,
Malayo ka man o malapit ay hihintayin kita.
Ngunit kung sa kabilang dako pala ang punta mo,
Ngayon din ay aalis na ako.

Nakakasawa na,
Nakakainis na.
Mababaliw na ako,
Kaya ako na ay lalayo.
Sayo.

•-x-•

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon