Everyone is going to hurt you. You just got to find the ones worth suffering for.
~Bob Marley•-x-•
Sarili Muli
JonuxxBakit ganito nararamdaman,
Makita lamang iyong pangalan ako'y kinakabahan.
Bakit ganito nadarama,
Parang kulang, nangangailangan, hinahanap ka.
Namimiss ba kita?Nakakadismaya sa tuwing mawawala ka sa paningin,
Ano man iyong rason o saloobin ay ayaw ko nang isipin.
Ngunit nakakainis man ay hindi ko maiwasan,
Iniisip kung ano tumatakbo sa iyong isipan.
Ako din ba ay sumasagi sa iyong isipan?Ang daming tanong na tumatakbo sa utak:
Ang kausapin ako, iyo bang balak?
Katulad ko'y nakararamdam ka rin ba ng galak?
Kapag ako'y nawala ikaw ba'y iiyak?Araw-araw ako'y naghihintay,
Konting oras mo sana akin ay ibibigay.
Ngunit ilang beses nang nabigo,
Gustong-gusto nang sumuko.
Paghihintay nga ba'y kailangan nang ihinto?Kahit anong gawin ay hindi ka natiis,
Tinawag iyong pangalan at pintig ng puso ko'y bumilis.
Para kang kidlat sa bilis mong paglingon,
Ngunit para kang yelo sa lamig ng iyong tugon.
Dalawang letrang nakakadismaya.Naisip ko na baka ika'y may problema lamang,
Kaya ika'y aking hinarangan.
Tinanong kung ika'y may problema,
Ngunit niisang salita ay wala kang ibinuga.
Ako iyong iniwan, nakatunganga't binalewala.Sa muling pagkakataon ako nanaman ay bigo,
Napapaluhod habang mga luha'y tumutulo.
Sa muling pagkakataon ito nanaman ay aking sasabihin,
Ngunit pangako na ito na talaga ang huli at 'di na uulitin.
"Ikaw ay di na muling guguluhin at iisipin."Sana ito ay aking kayanin,
Sana ika'y aking kayang tiisin.
Ngunit sa ngayon ay aking iisipin,
Aking sarili muna ang kailangang unahin.
Hindi ikaw, hindi nino man, kundi sariling muling bubuuin.•-x-•
BINABASA MO ANG
Her Side
PoetryIsang tula tungkol sa kanyang nararamdaman: saya, pagmamahal, lungkot, depresyon, bigo, wasak, mawala, hindi makilala ang sarili, makulong, lumaya, umasa, umaasa, nakamove-on pero patuloy ulit na umasa.