H. O. P. E.
Hold On Pain Ends.•-x-•
Sana
JonuxxAraw na inaasahan ay dumating na,
Hanggang ngayon ay naghihintay pa ring may mangyayaring kakaiba.
Hanggang ngayo'y naghihintay pa rin sa pagdating niya,
Hanggang ngayo'y umaasa pa ring magpaparamdam siya.
Kahit sinasabi ng loob ko na naghihintay na lamang ako sa wala.Ako nga ba'y naghihintay na lamang sa wala?
Ako nga ba'y umasa lang at nagkamali ng hinuha?
Alam ko may kakaiba rito,
Naniniwala akong ito ang pinakamasayang araw ko.
Magtitiwala ako't sana'y hindi mabigo.Ngunit kahit anong gawing pagkapit sa kanya,
Namumuo pa rin ang takot at pagkadismaya.
Dahil alam ko na umaasa na lamang ako,
Kumakapit sa lasong sa akin ay isinubo.
Alam ko wala na talaga ngunit hindi ko kaya ang sumuko.Siguro ay maghihintay ako hanggang gabi,
Magpapakatanga kahit isang sandali.
Kahit na masasaktan kapag ako'y nabigo,
Alam ko sa sarili ko na sumubok ako.
Pero sana lahat ng aking hiling ngayo'y magkatotoo.Pangako talaga na huli na ito,
Kapag ako'y nasaktan ay matututo na ako.
Hindi na siya muling guguluhin at iisipin,
Matayog na pader ko'y hindi magigiba't pinto ko'y hindi na bubukas kahit ano kanyang gawin.
Pero sana talaga ngayong gabi, ngayong gabi, ay masilayan ko ang kanyang ngiti.•-x-•
BINABASA MO ANG
Her Side
PoetryIsang tula tungkol sa kanyang nararamdaman: saya, pagmamahal, lungkot, depresyon, bigo, wasak, mawala, hindi makilala ang sarili, makulong, lumaya, umasa, umaasa, nakamove-on pero patuloy ulit na umasa.