******************chup*
*chup*
"Hihihihihihihi"
*chup*
*chup*
"Hhhhmmm!"
Nagising si Xia na parang may humahalik sa kanya ngunit antok na antok pa sya para buksan ang mga mata.
"Panaginip ba o totoo talaga" sabi nya sa kanyang isipan.
*chup*
"Hihihihi"
"Shhhhhh! Wag ingay!" Pabulong na sabi.
*chup*
"Hey! I think mommy is awake na. She moved her face eh" ani ng isa.
"Wait?! Did I hear mommy?" Said Xia at agad na bumalikwas ng higaan na syang dahilan ng pagkahulog ng batang lalaki.
"What the heck are doing here??!!" Asik na tanong nya.
"Good morning mommyyyyy!!!" Bati ni Austin.
"Uwaaaaaaaaaah!!!!!!" Biglang may umiyak.
Nagulat naman ang lahat at napatingin sa kung saan nanggaling ang iyak. Ganun nalang ang panlalaki ng kanilang mga mata ng makita ang kalagayan ng batang lalaki na nakasalampak sa sahig at basag ang salamin sa mata.
"Uwaaaaaaaahh!!!! Mommyyy!!! Its hurts! Huhuhuhh!"
Dali-dali naman ang dalaga na daluhan ang batang lalaki at binuhat ito paupo sa kama. Nakakaawang tignan ito. Putok ang labi, magulo ang buhok at gusot ang damit, basa at namumula ang mukha dahil sa pag-iyak.
"Why are you there? How did you get inside my room and who's with you?"
"Kasi po *sob* I just want to *sob* wake you up *sob* then po nang bumangon kayo po *sob* nahulog ako. Waaaaahh!! Mommy masaki po! Huhuhu!" Sumbong ng batang lalaki habang patuloy parin ang iyak.
Nakunsensya naman sya kasi alam nya may kasalan din sya kahit hindi nya gusto ay may kung anong tumulak sa kanya upang kunin ito para kandungin.
Bigla namang yumakap sa leeg ang bata at isiniksik ang kanyang muka sa dibdib ng dalaga at umiyak ulit. Walang nagawa si Xia kundi ang hagudin nalang ang likod ng bata upang tumahan.
Nagulat naman sya ng may dalawang pares ng mga kamay ang yumakap din sa kanila.
"Aiken stop crying na. Mommy is here and also us. We are here to protect you from those bad guys" pang-aalo ng kapatid nitong si Austin.
"Re*sob*ally? *lumingon ang batang babae sa kanila* it's true mom?!" Inosenteng tanong ni Aiken na hanggang ngayon hilam parin ang mukha dahil sa iyak.
Naalala nya tuloy nong sya'y maliit pa katulad ng tatlong bulilit na nakayakap sa kanya.
******Flashback*******
Ganun na gunun din ang ginagawa nya tuwing umaga. Pupunta sya sa kwarto ng mommy at daddy nya, pugpupugin sila ng munti nyang mga halik.
"end of flashback"
Napaluha naman sya nang maalala ang childhood memories nya. How she wish na manatili nalang syang bata ng sa ganun lahat ng oras, atensyon at pagmamahal nagugugol sa kanya hindi tulad ngayon na pakiramdam nya ay parang napag-iwanan at isinantabi nalang sya.
Oo nga at nasa kanya na lahat when it comes to material things. Magarang damit, pera na gasta dito gasta doon, malaking bahay este mansyon pala at mamahaling sasakyan ngunit bakit hindi nya parin madama ang lubos na saya sa kanyang puso. Pakiramdam nya laging may kulang at hindi nya alam kung ano. Siguro dahil narin sa nawawalan na sya ng pag-asa na maibalik ang dating sigla at closeness ng family nya dito sa bahay.
Marami na ngang nagbago pati nga sya nagbago rin. Kung dati ay isa sya masayahin na laging nakangiti pero ngayon kung nakangiti man ay magtago kana dahil may masamang balak na naman sya laban sayo. Laging mataray at masungit pati kilay na ani mo'y nakakaabot na ng mt. everest.
Tears falling down from her eyes remembering everything she had when she was a little. Ngayon ibang-iba na sya lalo na kung sya ay nasa labas ng bahay. She build a wall to protect herself against who wants to hurt her but when she's inside of her home, she's like a puppy who's always seeking for the love and care from its parents. She's so fragile dahil alam nya sa labas maraming kampon ng demonyo na maaaring makasira sa kanya.
"flashback"
Naaalala nya nong sya'y freshman pa lang. Anlaki ng ngiti nya dahil excited syang pumasok bilang high school sa isang international school. Gusto nya ng maraming kaibigan kaya halos lahat ng mga estudyante noon ay kinakausap at kinukulit nya upang maging kaibigan. Subalit ang hindi nya alam hindi lahat ng naging kaibigan nya ay totoo. Ang ilang ay gusto lang syang maging kaibigan dahil maganda sya, mayaman, matalino ngunit madaling utuin.
One time ay inimbita sya ng isa sa mga kaibigan nya na umattend ng party. Isang birthday party at ang akala nya ay maging masaya at maganda ang kanyang gabi ngunit nahantong lamang iyon sa hindi inaasagang pagkakataon.
Naging kahiya-hiya ang kanyang sinapit. Yong inakala nyang isang tunay na kaibigan ang maghahatid pala ng sakit at matinding kalungkutan sa kanyang buhay.
Dahil nga sa maganda sya at sobrang bait ay maraming mga lalaki ang nagkakagusto sa kanya na naging dahilan na sya'y pagbintangan ng kanyang kinikilalang kaibigan na umanoy inagaw daw nito ang kanyang boyfriend.
Ipinagtanggol naman nya ang kanyang sarili ngunit hindi iyon sapat dahil nga pinagtulungan sya ng mga kaibigan nong babae.
Pinagsampal-sampal nila ito, sinabunutan at nang hindi pa nakuntento ay tinulak sya sa pool. Walang ni isa man ang tumulong sa kanya kaya umuwi tuloy sya na mukhang basang sisiw.
Napag-alaman nyang matagal na pala itong may lihim na galit sa kanya mula ng elementarya pa lamang sila.
Buong linggo syang nagmukmok sa bahay nila. Hindi makausap ng matino. Laging tulala at umiiyak. Kinausap sya ng kanyang ina at dahil don nahimasmasan sya. Hindi dapat iyakan ang mga walang kwentang tao. Dahil rin don natuto sya protektahan ang kanyang sarili sa tulong rin ng kanyang ina ngunit ng magtuntong na sya ng kolehiyo at ay nagbago ang lahat.
Masyado ng busy ang mommy at daddy nya. Laging nasa ibang bansa for business. Lagi syang naiiwan sa kanyang yaya. Bihira narin silang magkaroon ng family bonding.
"end of flashback"
Kaya ganito sya ngayon, spoiled brat ang tawag sa kanya. Laging may inaaway, laman ng bar, mall at kung saan pa. Sikat rin sya sa school at maraming nagtatangkang manligaw na nauwi lahat sa pambabasted.
"Mom why are you crying?" Napukaw ang kanyang pag-iisip ng tanungin sya ng batang babae. Nagulat pa sya ng punasan ng maliliit nitong mga kamay ang mga luha sa kanyang pisngi.
"Nothing" pag-iiwas nito at tuluyan ng pumasok ng banyo upang makapag-toothbrush at hilamos. Pagkalabas nya ng banyo ay nadatnan nya ang tatlong bata na nakaabang sa kanya sa labas ng banyo.
"You shouldn't be here" sabi nya sa tatlo.
"Mom are you ok?" Tanong ni Adrian.
"Let's go ng maipahatid ko na kayo pauwi sa inyong bahay"
"Nooooooo!!! We want to stay here with you!. We don't want to go home!" Dali-dali at nag-uunahan sa pagtakbo ang tatlong bata pababa ng hagdan.
Napahilamos na lamang sya ng mukha dahil sa frustration. Hindi pa nga sya nakapagmove-on sa nangyari kahapon at ngayon andito pa sila sa kanyang bahay.
Nayayamot naman syang bumaba rin ng hagdan papunta ng dinning area upang makakain.
--------------------------
Salamat naman at natapos na..Guys comment lang kayo if nagustuhan nyo. Libre ding magvote para mainspire ako.
Thank you and Godbless
Rian_grl
BINABASA MO ANG
The Spoiled Brat became a Mommy!!??
RandomPano kung sa isang iglap ay kulitin ka nalang upang maging isang mommy ng hindi lang isa o dalawa kundi tatlo? Oo tatlo na hindi ordinaryong mga bata. They are not ordinary pagdating sa kulitan. Kakayanin mo ba o hindi. Deal or no deal?????