Chapter 1

19 5 2
                                    


Booooooogggggghhhh!

Blaaaaaaaaggggggg!

Boooooooogggggggghhh!

Blaaaaaaaaaggggggg!

Boooooooooogggggghhhhh!

"T-ta.. Tama na. S-suko na kami, B-boss J-ja.. Jackie..."

"H-hindi na po kami manggugulo."

"Eh, ano bang sabi ko sa inyo, huh? Binalaan ko na kayo. Hindi pa rin kayo nakinig. Ngayon, sa susunod na gumawa pa kayo ng gulo sa Barangay na 'to. Sa kulungan na ang bagsak niyo! Pasalamat kayo at may pamilyang nag-aalala sa inyo."

Tsk. Hindi talaga sila nadadala, hanggat hindi sila nabibigyan ng leksyon. Anong akala nila sa 'kin? Titser? Tsk tsk tsk.

Kung makapaglasing akala mo mo wala nang bukas. Kung makapanghamon ng away kala mo naman kasing lakas ni Bernardo Carpio. Binulabog pa ang buong Barangay. Dapat talaga wala nang nagbebenta ng mga alak na 'yan. Naaaksaya lang ang pera, nakakasakit pa ng ulo sa iba. Dapat talaga pinagbabawal na yan, eh.

"Jackie, tama na yan. Naging tanod ka na kanina, ngayon naman Kapitan ka na. Baka mamaya pulis ka na. Yung totoo, hindi mo naman planong maging sundalo, 'noh?"

Si Kyle Bernardino. Ang lalaki kong bestfriend. Bukod sa paligi niya 'kong pinagtritripan at sa hilig niyang tumae, na halos apat na beses sa isang araw at akala mo may diarrhea, eh sa huli naging magkaibigan pa rin kami. Hindi ko rin naman matitiis ang pagmumukha niyan tuwing namimilipit na sa sakit ng tiyan niya at nagmamakaawa na pagamitin ng CR namin tuwing nagkakataon na ginagamit ang CR nila nitong kapatid niya.

"Sige, kayo na pong bahala dyan." sabi ko sa mga kararating na mga tanod.

"Oh sige Jackie, kaya na namin 'to. Salamat. " sabi ni Mang Edgar isa sa mga tanod.

"Sige ho. Una na ho ako. " sabi ko sabay ngiti.

Umalis na 'ko 'don at sinalubong si Kyle.

"Huwag nalang. Nakakaawa ka naman pag nawala na ako dito. Wala ka nang ibang CR na pwedeng magamit. Hindi naman papayag ang iba nating kabarangay dahil hindi nila masikmura kung gano kabaho yung tae mo." agad na sabi ko nang makalapit ako sa kanya. Nakita ko naman ang pagkairita sa mukha niya. Hahahahaha. Mukhang ako na naman ang panalo saming dalawa.

Binabawi ko na pala yung sinabi ko, dahil nakita kong umangat ang sulok ng labi niya.

"Alam mo, hindi mo namang kailangang idahilan yung CR niyo. Ang sabahin mo, sadyang hindi mo kayang malayo sa napakagwapo kong mukha. Aminin mo na kasi. " presko niyang sabi, sabay taas-taas pa ng kilay niya. Mukha siyang tanga.

Sapul!

"Aray! Jackie naman!" reklamo niya habang hinimas himas yung noo niya.

Dinuro ko kasi siya sa noo.

"Mukha ka kasing tanga. " sabi ko.

"Ang sabihin mo, sadyang gwapo lang ako! " ganti niya.

"Gusto mo pa atang humirit,eh."
pagbabanta ko pa.

"Ahhhmm. A-ano.. Sabikoanggwapogwapoko. " mabilis niyang sabi.
Kahit ganon,eh madali ko namang naintindihan.

"Ah, ganon. "

"Ay mali. Hindi pa la. Gwapo lang pa la. "

Kahit talaga kailan, hindi pa rin niya sinusukuan yang pagsasabi niyang gwapo siya. Pero sa bagay, hindi naman siya yung ordinaryong lalaki lang sa kanto. Kung baga, eh may maibubuga rin naman.

Itataas ko na sana ang kamay ko para batukan 'tong mokong na 'to ng--

"Ahhhggmmm" tikhim ni Kapitana Leah. Kapitan ng Barangay namin. Bigla namang nabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Maraming salamat, Kapitana. You're my herooo." madamdaming sabi niya. Sabay hawak pa sa dibdib niya na parang sincere talaga.

Sinamaan ko naman ng tingin. Bigla naman siyang tumiwid ng tayo, saka binulsa ang dalawa niyang kamay at tumataghoy-taghoy pa na akala mong walang nangyari. Napatawa na lang si Kapitana sa inakto niya.

"Iha, ikaw talaga ang sadya ko rito. Nais ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagpipigil sa mga nag-aaway na lasinggong yun. Nahihiya na talaga ako sa iyo at parang ikaw na mismo ang nagmistulang tanod namin dito."
"Kaya Jackie, " lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko.

"Huwag kang mahihiyang lumapit sa Barangay kung may kailangan ka, huh?" nakingiti niyang sabi.

"Naku, Kapitana asa mo na mang may tinatagong hiya 'tong si Jackie. Hindi nga yan nahihiyang ipakita ang muscle niya, eh. " sabat naman ni Kyle.

Kahit kailan talaga, napakadaldalero niya.

"Ay naku, Kapitana 'wag niyo nang pansinin yang daldalerong yan. At huwag po kayong mag-alala pupunta po ako sa Barangay niyo mayron man at wala akong kailangan sa inyo." pagkasabing-pagkasabi ko 'nun ay bigla niya akong niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik.

Nakagagaan talaga ng loob na may natutulongan ka at sa simpleng 'salamat' lang nila ay ayos na.

"Maraming salamat talaga, Jackie. " sabi niya habang humihiwalay sa yakap.

"Walang anuman po 'yun Kapitana. " sabi ko saka ko siya nginitian.

"Sige na. Kyle hatid mo na 'tong si Jackie, palalim na rin yung gabi. Baka hinahanap na siya ng Lola niya. " baling ni Kapitana kay Kyle.

"No problem Kapitana. Talaga namang ihahatid ko 'to sa bahay nila, eh. " sabay akbay niya sa 'kin at ginawa na naman ang signature look niya. Ang pagtaas baba ng makapal niyang kilay.

Pinabayaan ko nalang. Tutal dyan naman masaya yan. Tsk tsk tsk.

"Sige ho, Kapitana. Una na po kami." pagpapaalam ko.

"Sige. Ikamusta mo na lang ako sa Lola Esme mo. Sige na. Kyle, Jackie mag-iingat kayo. " pamamaalam din niya.

"Sige ho. " sabay naming sabi ni Kyle tsaka tuluyan na kaming lumakad pabalik sa bahay.
Ibinaba na rin niya ang pagkakaakbay sa akin. Mabuti naman.

Nagkwentuhan at nagkulitan lang kami ni Kyle habang pauwi sa bahay. Kung anu-anong nakakatawang kwento rin yung pinagtatawanan namin. Halos hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay ko. Sabagay kunting lakad lang naman ang kailangan. Hindi naman gaanong malayo yung bahay namin sa pinangyarihang gulo kanina. Hindi naman ganon kalawak yung barangay namin. Yung parang sa mga typical lang. Katulad ng ibang barangay.

Pagkatapos, eh nagpaalam na si Kyle na umuwi, baka daw hinahanap na siya ng Nanay niya at pagbintangan pa daw siyang mas gusto pa niyang tumira sa CR namin kaysa sa bahay nila. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Pano ba naman, eh halos oras-oras eh nakikita ko siyang ngumunguya ng sari-sari pagkain, at ang nakapagtataka eh hindi naman siya tumataba. Mahirap mang sabihin pero may ibinabalandra talaga siyang mga pandesal sa 'kin tuwing umaga. Kaya siguro panay tae kasi denideposit agad yung kinakain niya.
Tss. Ano ba 'tong pinag-iisip ko.
Makapasok na nga lang sa bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THAT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon