Ako si Blake Soriano. Gwapo,Matalino,Mabait,Gentleman,Responsable,Matulungin at Talented. Yan yung sabi nila...na hindi ko naman nakikita sa sarili ko. Sabihin na nating pa-humble ako but yes. Hindi ko sila maintindihan kung bakit ganun ang tingin nila sakin...lahat ng babaeng makikilala ko sasabihing crush nila ako kasi im such a cutie. Ang agressive nila,right? Kaya im searching for a girl na hindi ganun kataas ang tingin sakin. Gusto ko tatratuhin nya ako ng normal at simple. Gusto ko yung may gana syang laitin ako. Gusto ko yung may challenge.And then i met her,wala syang paki sakin tuwing dadaan ako. Para lang akong hangin pag nakikita nya ako. Malayo...malayo yung tingin nya. Hindi katulad ng ibang babae na dadaan palang ako magsisingitian na sila at kakaway sakin. Sakto,seatmate ko sya. At dun ko nalaman ang pangalan nya. I laughed a little to think na pang boy yung name nya. Sya si Drewanne Garcia. Pronounce as /Dru-wan/ at ang nickname nya ay Drew. She hate to be called Anne. Dahil mas astig daw pag Drew. So i agree but i called her Anne. Dun nagsimula yung aso't pusa naming pagkakaibigan. Sa tuwing dadaan ako iirap na sya. Hindi na ako hangin pag nakikita nya ako kasi magme-make face na sya sakin. Yung pangasar na mukha but believe it or not mas lalo lang syang gumaganda kung nagwawacky sya.Hindi na malayo yung tingin nya.....kasi niligawan ko sya. I dont know pero sinagot nya ako after a week. And im so happy. I dont know pero di ramdam sa kanya yung kasiyahan nya.
"Blake,tara na?"
Ngumiti sya sakin at hinahatak na yung pulsuhan ko. So,tumayo ako at inakbayan sya. Lunch na at magka block kami karamihan ng subjects. And im glad na palagi kami magkasama pag lunch.
"Ano gusto mo kainin by?"
I called her sweet endearments. Kahit ano basta sweet. Hahaha but nako-cornyhan sya so stuck lang sya sa pagtawag sa pangalan ko.
"Eeeewwww kadiri ka Blake! Dun na lang tayo sa may cafeteria....okay?"
Dun na naman?! Sabi ko kasi sa kanya dapat ang kinakain namin sa lunch is puro kanin yung mabubusog ka. Eh dun sa cafeteria puro desserts at frappe.
"How many times do i--"
"Have to tell you? Even if you're crying youre beautiful too~"
Nginitian nya ko ng nakakaloko at kumanta ng all of me. This girl talaga! So ang ending sa cafeteria. Lasagna na naman kinakain nya at nakatingin sa malayo habang kumakain. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain ng carbonara. Nalaglag na nga yung lasagna kakatitig nya sa malayo so sinundan ko yung tingin nya.....si Royce. Yung bestfriend ni Drew. Sila palagi yung magkasama dati nung magkaibigan palang kami. Si Royce na may kasamang babae ngayon. Si Elisha yung babaeng napaka classy. Before,na attract ako sa kanya na dumating sa puntong crush ko na sya. Pero nalaman kong crush nya rin ako so i get bored. Akala ko pa naman ayaw nya sakin. Gusto ko nga kasi macha-challenge ako but unfornately mabilis ko na lang nakukuha yung gusto kong paghirapan. Para alam kong deserve ko. Si Drewanne hindi ko akalaing sasagutin nya ako but im so happy kaya i'll go with the flow.
"Bagay sila no?"
Napatingin ako kay Drew na nakakunot ang noo. Her voice was sad. Yung tipong pag narinig mo para syang nasasaktan.
"Hey,are you okay?"
I asked her. She smiled but its obviously fake.
"Oo naman. Im somehow sad na wala ng time si Royce sakin...."
"Andito naman ako 'by."
"Iba pa rin si Royce,Blake."
Nagulat na lang ako ng tumayo sya at pumunta sa may Cr. Hindi ako namalikmata nung nakita kong tumulo ang luha nya. Why is she like that? Ganun nya lang talaga siguro kamahal yung bestfriend nya....ayoko ng malungkot ang mahal ko so i decided to make a plan.
BINABASA MO ANG
Kung Saan Ka Masaya
Random"Kung saan ka masaya....magiging masaya na rin ako" - Blake Soriano "Akala ko sasaya na ako" - Drewanne Garcia