Pagkababa na pagkababa ko sa taxi, agad akong pumasok sa mall. Halos tumakbo na nga ako eh. Maraming tumitingin sa aking mga tao pero i don't mind them, ang importante mabili ko yung ticket na yun.
Minsan may nakakabangga akong tao pero humihingi ako ng tawad at tatakbo ulit. Pagkarating ko sa counter nakahinga ako ng maluwag dahil isa na lang ang nakapila. Agad akong pumila sa likuran ng babae. Pagkatapos magbayad nung babae umalis na siya. Nakangiti akong tumingin sa babae dun sa counter.
"Good Afternoon. Anong ticket po bibilin niyo?" Nakangiti ding tanong sa akin nung sa counter.
"Yung VIP ticket ng Synco." Sabi ko.
Pero nanlumo ako sa sinabi niya.
"Ay. Sorry po. VIP tickets are already sold out." Sabi nung nasa counter.
"Eh yubg ordinary ticket?" Tanong ko. Nagbabakasali akong meron pa.
"Wala na rin po. Actually sold out na po ang tickets ng Synco. Marami na po kasi ang bumili kanina." Sabi nung nasa counter.
"Kahit isa wala na?"
"Opo eh."
"Wala na talaga?" Tanong ko ulit. Wala akong pakielam kung makulitan sa akin tong nasa counter.
"Wala na po talaga." Sabi niya. "Ah sige po mauna na po ako. Break ko na po kasi." Dagdag pa niya. Nang makaalis yung babae. Nakatulala pa rin ako.
Sobrang naiinis ako. Pinag ipunan ko iyon tapos hindi ko mabibili? Halos mag overtime na ako sa resto ng kaibigan ko at mag tinda ng kung ano-ano. Nakakapanlumo lang.
Aalis na sana ako nang makita ko yung babae namas nauna sa akin. Nakita kong may kausap siya sa phone. Agad akong lumapit sa kanya.
"Sige bye." Rinig kong sabi niya sa phone.
"Ah. Miss?" Bigla siyang napaharap sa akin.
"Bakit?" Nakangiti niyang tanong.
"Anong ticket yung binili mo sa counter kanina?" Tanong ko. Yung mukha nung babae, maganda at maamo ang mukha.
"Ah. Ticket ng Synco." Kinikilig niyang sabi. "And guess what! It's VIP." Sabay taas niya nang ticket na iyon."Pwede ko bang bilin sayo yan?" Sa pagtanobg kong yon agad niyang nilagay sa bulsa niya yung ticket na yun.
"Hindi pwede." Sabi niya at nilagpasan ako. Pero hinabol ko siya.
"Sige na please..." sabi ko nang magkadikit ang mga palad ko. "Please...."
Biglang humarap sa akin yung babaenang nakapamewang.
"Pinaghirapan kong makiusap sa mga magulang ko para bigyan nila ako ng pera pambili ng ticket tapos kukunin mo lang?!" Sino bang nagsabing kukunin ko? Sabi ko, bibilin ko sa kanya. Atsaka hindi naman niya pinagtrabahuhan ang pambili don nahirapan lang siyang makiusap sa mga magulang niya! Eh ako? Pinaghirapan ko noh!
"Sige na kasi..." agad kong kinuha sa kanyayung ticket na nasa bulsa niya.
"Hoy. Ibalik mo sakin yan!" Sabi niya. Kailangan ko pa bang sabihin na naghahabulan kami? Tch.
"Sige na please! Babayaran ko naman!" Sabi ko habang tumatakbo.
"Ayoko!" Pagtanggi niya nang humahabol sa akin. Nang maabutan niya ako nilalayo ko yung muka niya sa ticket.
Ba't ba ayaw niyang ibigay?! Babayaran ko naman.
T3T
"Akin na yan!" Sabi niya. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pero gusto ko talagang makanood ng concert ng Synco at first time yon!
BINABASA MO ANG
An Idol Beside Me (On-Going)[EXO FF.]
Novela JuvenilThis is work of fiction. And it's a taglish story.