Jasmine's POV
Hindi naman talaga ako manghihiram ng gitara kaso kailangan ko ng excuse kung bakit ako biglang nawala na parang bula. Miss na miss na daw kasi ni Red si Sabine.
Ang landi lang talaga nung lalaking yun. Siya talaga ang malandi eh. Haha
Nasapak ko nga yun nung umamin na napaiyak niya si Sab nung araw nung play. Sabihan ba naman ng mga ganung words! Hindi naman ganun yung bespren ko eh. Hindi ko nga din kinausap ng isang linggo kaso naawa ako kaya kinausap ko na din.
"Si Red muna kakanta" sabi ko
"Bakit naman ako? Ikaw na lang muna! Ikaw naman ang magaling kumanta."
"Ikaw na nga muna Red." sabi ni Sab
"Sige na nga"
Nak ng. Ang bilis magbago ng isip nitong loko-lokong ito. Iba na talaga kapag tinamaan ng pana ni kupido. Sila na ang nagmamahal.
Ako na ang fishbol!
After 10 years eh hindi pa rin kumakanta si Red. Talagang pinag-iisipan niya yatang mabuti kung ano yung kakantahin niya kaya...
"Bwisit naman! Ako na nga ang una!" sabi ko naman.
Ang tagal-tagal eh. Naging kulay ube na ang mga ugat ko sa legs pero hindi pa rin siya nakakaisip ng kanta. Ang dali-dali lang naman mag-isip ng mga kanta na pwedeng kantahin eh.
"Wala din akong maisip na kanta"
"Ano ba naman kayong dalawa!" sigaw ni Sab.
"Eh sa mahirap eh!"
"Okay fine! Ako na lang muna."
Eh di ni-strum niya na yung gitara. Napabilib nga si mokong kasi marunong daw palang mag-gitara si Sab.
"Tinuruan kami nung third year kami. Ito kaya lesson namin sa Music! Haha" sabi ko naman
"May vocalization pa nga eh! Sa sobrang hiya ko eh 85 lang score ko!" sabi ni Sab.
Sisimulan na sana ni Sab na kumanta kaya lang may biglang sumigaw.
"Reeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeedddd!"
Paglingon naman namin si Valerie at Cyrus lang pala. Ampotek. Bakit nandito yang dalawang yan? Bakit nandito silang apat?
Nagkatinginan kami ni Sab.
Wala lang.
haha!
Nung malapit na sila sa amin eh bigla na lang nagtanong si Valerie.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Wala naman. Jamming sana." sagot ni Red.
"Ah. Pwede ba kaming maki-join?"
Tiningnan kami ni Red. Eh ano pa bang magagawa namin? Hindi rin naman pwedeng tumanggi si Sab kasi nandito yung mokong niyang bespren. Maganda naman boses ni Valerie eh. Yun nga lang mas magaling umakting si Sab kaya siya yung nanalong Maria Clara. May nagkwento sa akin na kilig na kilig daw sila kapag moment ni Sab at Cyrus.
Yuck.
Wala lang ulit. Hehe
Sabine's POV
What the hell.
Bakit nandito yang dalawang yan? Kung hindi lang talaga ako mabait eh pinalayas ko silang dalawa dito!
Tss.
Badtrip!
Hindi ko tuloy alam kung dapat ko pa bang kantahin yung gusto kong kantahin. Palayasin ko na kaya si Cyrus? Aish. Hindi ko na talaga alam. Wala akong maisip na kanta! Yun talaga yung gusto kong kantahin kasi nga ang emo ko! Hahaha! Bahala na si batman! Matamaan na ang dapat matamaan! Kapag hindi pa matamaan eh ewan ko na lang!
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?