Nandito Ako, Nagmamahal Sayo

48 0 0
                                    

Upo, higa , dungaw sa bintana, tingin sa salamin.....Ohhhh..Yel , baliw ka na ba !hilong hilo na ako sayo , bulong ng kunsensiya ko. Kaya nahiga na lang ako sa kama ko.

Kausap ang sarili...
Si Glenda ! Sasagutin niya si Gary ??? Ang mokong na yun, sabi niya di siya nanliligaw kay Glenda. Hmp!
Lalo na akong hindi papansinin ni Gary nito. Anong gagawin ko para di sagutin ni Glenda si Gary ? O , Yel isip , isip pa...
Hanggang...
Zzzzzzzzzzzz...tulog.
The next day , maaga si Nel para. Isabay ako sa pagpasok.
Habang naghihintay siya , napadaan naman si Gary at kinakausap si Nel. Dali- dali akong nagbihis .
" Good morning my beautiful bestfriend ." Bati ni Gary na masayang masaya at umaalingasaw ang pabango na parang ibinuhos ang isang boteng pabango.
" Ang sangsang naman ng amoy mo , nakakahilo at nakakasuka eeek! " na nag asta pa akong magsusuka.
" Grabe ka naman makapuna , halika nga ." At niyakap ako ni Gary.
Itinulak ko siya,"Tsupiii, tsupiii, tsupiiii..." layo Nahihilo ako sa amoy mo.
Yun lang at hinila ko na ang kamay ni Nel sabay angkla sa braso niya.
" Let's go Nel mahuhuli tayo." Pagyaya ko na kay Nel.
" Uy, mamaya ha wait ninyo kami ni Glenda , daanan namin kayo sa school ninyo." Pahabol na sigaw ni Gary.
Si Nel, ikinaway ang kamay at ako , nag sign language ng " Fuck you ."

Habang naglalakad kami ni Nel,
" Yel nagseselos ka noh !"
" Helllooo, pakiulit nga Nel ."
" Sabi ko nagseselos ka ! "
" At inulit mo nga, sapakin na kaya kita."
Natawa si Nel.
" Hindi ba crush mo si Gary, puppy love, first love, o anuman, at ngayon sasagutin na siya ni Glenda." Dugtong pa ni Nel
" So...e di sagutin ni Glenda. Good for him." Na parang may bara sa lalamunan ko.
" So kung mag boyfriend at girlfriend na sila , meaning...
Wala ka ng pag - asa kay Gary at may pag - asa na ako sayo ." " EXCUSE ME !" Nanlaki ang mga mata ko at namaywang pa.
" BAKIT , PINALILITAW MO NA NANLILIGAW AKO KAY GARY...HA NEL ?" Na parang tigre na ako sa bangis.
" Hep , hep, hindi naman sa nanliligaw ka, ikaw naman di na mabiro, lalo ka tuloy gumaganda pag mukha kang leon." At tumawa pa.
Pinaghahampas ko si Nel.
Habang nasa daan kami para kaming bata na naghaharutan.
" Ok peace na...nagbibiro lang ako ."
" Hoy, kung gusto mo ng peace , mamaya ililibre mo ako ng ice cream at pansit ." Na nakaismid pa.
" Oo ba, hindi ba susunduin tayo ni Gary mamaya ! " sagot ni Nel.
" Bingi ka ba ? Sabi ko ililibre mo ako ! At hindi ko sinabing sasama tayo kina Gary. Mag dedate tayo ng sarili , maliwanag Nel Rodriguez"
" Hahahaha at binuo mo pa ang pangalan ko ha Yel delos Reyes." Nakatawang sagot nito.
" Ok , kung yun ang gusto mo, alam mo naman na love kita di ba ?" Dugtong pa ni Nel.
" Ok , so see you later bestfriend ko ." Dahil papasok na kami ng school.
Hinatid niya ako sa classroom ko at nagtuloy na din siya sa classroom niya.

Sa kabilang campus naman....

" Anong gusto mong kainin Glen ?" Tanong ni Gary na parang sinisilihan ang puwet sa pag asikaso kay Glenda.
" Sago drink lang ako , busog pa ako." Sagot nito.
Si Gary na ang umorder ng pagkain at inumin nila.
" So , Glennnn... still remember what you said yesterday ?" Simula ni Gary.
" Ang ano? Alin. ?" Tanong naman ni Glenda.
" Hindi ba sabi mo kahapon malalaman ko ngayon ang sagot mo sa panliligaw ko sayo. " seryoso si Gary.
" Aah, ok. Gar ewan ko ha, sa tingin ko kung sasagutin kita at magiging tayo, inaalala ko si Yel." Panimula ni Glend.
" Inaalala mo si Yel ? Bakit ? Anong kinalaman ni Yel dito ? " pagtataka ni Gary.
" Hindi mo ba napapansin na may gusto siya sayo ?" Ani Glenda.
" Hahahaha...si Yel ay sadyang pilya at bata pang masyado ang isip and eversince malambing lang siya sa akin." Paliwanag ni Gary.
" Ayoko kasing masaktan siya at magalit sa atin." Dugtong pa ni Glenda.
" Glen ( hinawakan niya ang kamay nito ) no worries, si Yel ay hinding - hindi masasaktan. At alam niya na bestfriend lang at parang kapatid ang turing ko sa kanya ok. O , tayo na ba ? OO na ba ?" Paliwanag at pangungulit nito kay Glenda.
Ngumiti si Glenda at pinisil ang kamay ni Gary. Atsaka sinabing,
" Oo , I like you and I love you too."
" YES ." At napasigaw pa si Gary na ikinagulat ng ibang estudyanteng naroon.
" Ow, sorry , masaya lang po ." Panghingi niya ng paumanhin.
" Let's call for a celebration later, daanan natin yung dalawa na mag bestfriend at future lovers, sina Nel at Yel." Paanyaya ni Gary
" Ok sige. " maikling tugon ni Glenda.

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon