Black Butterfly

12.8K 95 19
                                    

THE BLACK BUTTERFLY

© bloodberry09

CHARACTERS

JUAN CLAUDIO BUENAVISTA III – aka Clyde – ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng mga Buenavista, captain ball ng basketball varsity team, love interest ng lahat ng tao, matalino, gwapo, mahangin, at ang pinakasikat na lalake sa St. Vincent Academy

CHRYSTHIENNE JAZRELLE SERRANO – aka Ice – isang simpleng mamamayan na kaaway ng lahat ng mga popular kids, branded as the “CAMPUS ROCKER GIRL”, matapang, palaban, scholar ng St. Vincent Academy, at guitarist-slash-vocalist ng isang banda

MIGUEL ANTONIO VILLARINO – aka Jel – ang baklang best friend ni Ice na isa ring anak-mayaman pero hindi mayabang, lahat ng kaaway ni Ice ay kaaway niya rin, knight in shining armor ni Ice tuwing wala siyang baon, matapang, palaban, at matalino ring tulad ni Ice

JAMAICA CELINE MONTELIBANO – aka Mykee – ang maarteng girlfriend ni Clyde na mortal enemy 101 ni Ice, laging out to destroy simple people’s lives, captain ng cheerleading team, pantasya ng kalalakihan, mahangin ding tulad ng boyfriend niya, at syempre anak-mayaman

ANG MGA BANDMATES NI ICE – CHAD, DOMENG, PAO, and BRY

EXTRAS

Saan nagpupunta ang pag-ibig kapag ito’y patay na?

Sa libingan o nagpapalaboy-laboy tulad ng mga kaluluwang ligaw?

Pano kung mapadpad siya sa isang lugar kung saan may pangalawang buhay?

Pipiliin niya kayang mabuhay muli…

Kahit na alam niyang masasaktan lang siya…

At mamamatay tulad ng unang nangyari...

ANG SIMULA

Sa school…

ICE: Hi best friend!

JEL: Hay salamat! Dumating din ang bruha!

ICE: Oo na. Sorry na kung late ako. Traffic kasi eh.

JEL: Panginoon ko! Sinisi pa ang traffic. Kahit ano pang gawin mo eh hindi na matatanggal ang traffic sa Pilipinas noh! Dapat kasi lumalakad ng maaga eh!

ICE: (hugs Jel) Sorry na, best friend.

JEL: Eh ano pa nga ba?!

ICE: Hehe! Tara na. Baka ma-late pa tayo.

(biglang dumating si Mykee at binangga si Ice na muntik nang matumba)

ICE: ARAY!

MYKEE: Oops. Sorry. Akala ko kasi basura. (walks out)

ICE: (grabs Mykee’s arm) Sinong basura?!

MYKEE: Aray! Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!

(to the rescue naman si boyfriend)

CLYDE: (kinalas ang pagkakahawak ni Ice kay Mykee) Ano ba?! Bitiwan mo nga ang girlfriend ko!

ICE: Hay nako! To the rescue naman si knight in shining plato! Hoy unggoy, paki sabi nga dyan sa girlfriend mo na wag siyang aastang kala mo reyna siya ng Quezon City at baka ipakain ko pa yung bulok niyang korona sa kanya!

MYKEE: Let’s go, Clyde. Don’t waste your time on that…

JEL: Sige! Subukan mong ituloy yang sasabihin mo at makakalbo ka sa sabunot sa akin!

MYKEE: Let’s go, Clyde!

(lumapit si Clyde kay Ice na parang naninindak)

CLYDE: Ang tapang mo ah. Hindi mo ata kilala kung sinong kinakalaban mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2009 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon